Linggo ng Wikang Filipino

Ang larawan ay Pag aari ng WikipediaAng Linggo ng Wika ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Agosto taon taon sa Pilipinas. Ito rin ang araw ng pag gunita sa kaarawan ni Manuel Luis Quezon ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Ang pag diriwang na ito ay gumugunita sa kahalagahan ng Wikang Filipino bilang pambansang wika. Taon-taon, iba’t ibang paraan ng pag gunita ang nagaganap sa buong bansa lalo na sa mga paaralan,at unibersidad, at iba pang institusyong nag bibigay halaga sa Wikang Filipino. Nalala ko nuong akoy nasa ikatlong Baitang nasa Quezon Province kami nuon ako ang naatasang mag dala ng Bulaklak kasama ng iba pang mag aaral ng buong eskwelahan sa bantayog ni Manuel L Quezon. at matapos ang seremonyang iyon ay marami pang palatuntunan nauugnay sa Linggo ng Wika ang sumunod. Lagi rin akong napapasali nuong ako’y nasa High School para sa mga Slogan Contest. Sa ngayon ang aking obserbasyon masyado na maraming nadagdag sa Wikang Filipino at sa tingin ko marami pang maiaambag ang makabagong Pilipino sa Pag linang ng Wikang Filipino.

Ang larawang ito ay kinuha sa Wikifilipino
Ang larawang ito ay kinuha sa Wikifilipino