Vertigo

Two Sundays ago ko lang naranasan ang pagkahilo. Akala ko nung una dahil sa biglaang pagbangon lang sa pagkakahiga  kaya ako nakaramdam ng hilo. Pero every morning ganun na ang nararamdaman ko.  Nawawala din naman kapag ako ay nakahiga.  Nag worry na ako dahil sa matinding hilong naramdaman ko habang ako ay papuntang opisina.  Hindi naman sumasakit ang ulo ko at ‘di rin naman ako nakakaramdam ng pagkasuka ngunit bakit ako nahihilo?  inisip ko baka sa astigmatism ko pero hindi ito tulad ng mga sintomas na aking nararanasan kapag inaatake ako ng astigmatism.

Nag pacheck up ako sa Doctor, only to find out na ako “daw” ay may VERTIGO. Simpleng test ang ginawa ng Doctor, tulad nang kung pantay ang aking pakiramdam or yung senses ko. After ilang days bumalik ako, ni refer ako sa Ophthalmologist para malaman kung me kuneksyon ang astigmatism ko sa pagkahilo pero wala tama naman ang salamin ko.  Dahil nga sa Vertigo kaya feeling ko umiikot ako. Ang tanging nasabi lang sakin ng Doktor ay “WELCOME TO THE CLUB”..

Ang sabi ng Doctor makakatulong ang pageehersisyo. kaya naman ako’y nag research ng mga kaaalaman sa sakit na ito at ang mga makakatulong na ehersisyo tulad ng mga sumusunod;

Brandt-Daroff Exercises

The Epley and Semont Maneuvers

source:http://www.dizziness-and-balance.com/disorders/bppv/bppv.html

basahin nyo ito:

Ang pagkahilo ay isa sa madalas na nararamdaman ng tao. Ang vertigo ay pagkahilo na ang pakiramdam ay umiikot ang mundo o ang katawan. Hindi dumidilim ang paningin at hindi rin hinihimatay. Ang ating pakiramdam ng posisyon at pagkilos ay dahil sa ating “vestibular system” na ang pinakahuling organ ay makikita sa pinakaloob ng tenga. Itong vertigo ay mayroong kasamang “nystagmus,” mga biglang pagkilos ng mata patungo sa kabila ng nasirang vestibular system. Kapag nakatayo at inaatake ng vertigo, ang pasyente ay natutumba sa kanan kapag ang problema ay nasa kanang tenga o sa kaliwa kapag ang problema ay nasa kaliwa. Kapag ang vertigo ay may kasamang tinnitus (naririnig na tunog ng kalembang) o kapag nababawasan ng panginig (nabibingi), ito ay tinatawag na Meniere’s disease.

Ang malimit na uri ng vertigo ay ang Benign Paroxysmal Positional Vertigo (BPPV). Ito ay nangyayari sa mga mayroong edad na. Maaaring mayroong history ng hampas sa ulo ngunit ang karamihan ay walang dahilan kung bakit nagkaroon ng vertigo. Itong uri ng vertigo ay banayad lamang at kusang nawawala matapos ang ilang linggo o ilang buwan. Dito sa BPPV, ang vertigo ay nangyayari 3-40 segundo matapos na maiposisyon ang ulo sa kanan o kaliwa habang nakahiga. Ang mga symptoma ay kusang nawawala habang nakaposisyon pa ang ulo. Sa mga unang araw, ang vertigo ay matindi ngunit ito ay pumapanaw at nawawala na dahil sa paulit-ulit na posisyon ng ulo.

Dapat ay magkunsulta sa isang doktor (otolaryngologist o ENT) upang malaman talaga kung ang problema ay isang BPPV o kung mayroong iba pang sakit na nagdulot ng vertigo. Mayroong mga “vestibular function tests” gaya ng paglagay ng malamig o mainit na tubo o hangin sa tenga at tingnan kung anong klase ng symptoma ang lalabas. Malalaman din kung sa kanan kaliwang tenga ang problema at kung dito lamang ang problema o kaya ay nasa loob ng ulo ang problema. Dito ay kailangang ma-magnetic resonance imaging ang ulo upang malaman kung ano at saan ang problema.

Ang payo sa mga nagkakaroon ng vertigo ay magpahinga muna sa kama at uminom ng mga gamot (Serc, Valium, atbp.). Kapag hindi nawala ang mga symptoma matapos ang ilang araw, ang pasyente ay pinipilit na tumayo at maglakad maski na mahirap upang mapunan o mapalitan ng katawan ang gawain ng nasirang vestibular system. Sa BPPV, mayroong mga exercise gaya ng Epley procedure upang mawala ang vertigo. Kapag mayroong Meniere’s disease, maaaring magbigay ng mga pampaihi (diuretics) at bawasan ang maalat sa pagkain. Kapag ang sakit ay nasa utak, maaaring kailanganin ang operasyon.

http://www.abante-tonite.com/issue/march1106/public_dok.htm

Advertisements