Pinoy Idol

Last Friday ko lang napanuod ng maayos ang Pinoy Idol hindi ko pa nga tinapos dahil sa walang kwenta. Ilang contestan pa lang ang nag pakita ng galing nila sa pag awit ay tinulugan ko na. Nakakadismaya ang mga ipinakita nila naturingan pa namang Pinoy Idol ang sinalihan nila pero hello sana sa fiestahan na lang sila sumali? Alam ko wala akong authority para mag judge, pero kahit paano nakakaintindi ako sa musika at magandang performances. Kahit sigurong simpleng manunuod lang at kahit yung mga hindi marunong kumanta lalaitin sila. At ang mga suot OMG peryahan ba ito. Di hamak na mas magaling pa ata ang Philippine Idol finalist. At ang mga judges, sorry to say pero hindi credible para sa akin. Over all Pangit ang ipinapakita nang Pinoy Idol. Pasensya na sa mga Idol Fanatics.

Advertisements