Atang: Dulang May Musika

Atang dela RamaKagabi ay nag karoon ng Preview ang Atang;Dulang May Musika ng Dulaang UPĀ  sa Panulat ni Floy Quintos at sa direksyon ni Alexander Cortez bilang pag hahanda sa darating na Sarswela Festival 2009. Kagabi Nov. 25 2008 8PM sa Guerrero Theater, 2nd Floor ng UP Palma Hall ay ginanap ang Preview upang pasimula nang pag-sasaintablado nito.

Ang dula ay tungkol sa isang bahagi ng buhay ni Atang dela Rama nuong panahon ni Pangulong Cory Aquino. Nag simula ang dula sa pagbisita ni Gian (Ayen Munji) sa bahay ni Ka Atang sapagkat sya ang napiliĀ  gumanap sa Papel na Atang Dela Rama na nuon ay pinag palunahan palang gawing Pelikula.

Sabi ni Ka Atang hindi sya isang “Papel” lang. Umikot ang dula sa Masayang buhay ni Atang at bilang nag iisang Reyna ng Sarswela. Sa huli ng dula ay nakiusap si Ka Atang na ‘wag ng isapelikula ang kanyang buhay upang manatiling Misteryo ang kanyang buhay sapagakat para sa kanya malilimot din naman sa kahulihan. Marami nga sa atin ang hindi nakaka kilala kay Honorata ” Atang” dela Rama.

Magaling ang mga aktor sa dulang ito lalo na si Ms. Shamaine Buencamino bilang ka Atang. Bigla ay naging fan ako ni Shamaine. Kwela ang tagpong nag pabonggahan sina Katy dela Cruz (Bituin Escalante) at Ka Atang nuong panahon na lumilipas na ang panahon ng sarswela.

Para sa detalye at tiket reservation, tumawag sa ticket reservation, Ms. Luz de Luna 0917-6206224 o 0922-8206224, Email sa luzdeluna2003@yahoo.com. Dulaang UP: 981-8500 local 2449, 926-1349 telefax: 433-7840. Dulaang UP email add: http:www.upd.edu.ph/~dup.

Advertisements