Di mag-hilom na Sugat.

Bakit nga ba hindi pwedeng mamili ng magulang bago ka ipanganak? At kung pwede nga lang ba, siguro hindi ikaw ang pipiliin ko. Hindi natin parehong ginusto ang mag karoon ng ugnayan pero ikaw ang itinakdang maging Ama ko.

….Wala akong maalala na naging malapit tayo sa isa’t isa.kung meron man siguro natabunan na iyon ng matinding galit. Hindi ko o namin mag kakapatid naramdaman ang pag mamahal mo bilang isang ama. Ipinag kait mo sa amin ang maging ama at ang maging gabay sa aming pag laki.

Nang magkahiwalay tayo, galit ang natanim sa aking puso. At sa bawat araw na nag daan, lumalalim ang sugat na dinulot mo. Kung ang ibang bata’y o ikaw mismo ay himbing na sa pag tulog kami’y nasa lansangan pa at nag hahanap buhay. Bata pa lang kami ay natutunan na naming mag banat ng buto. Sa halip na makipag laro kami sa ibang bata, nasa loob lang kami ng tahanan at ginagawa ang mga gawaing bahay. Pilit kong hinahanap ang kasagutan kung bakit nagawa mo kaming ipag palit sa iba at tuluyang pabayaan. Ang bawat hirap na aming dindanas ay syang dahilan ng paglalim ng sugat na iyong gawa sa aming murang isipan at puso.
…Hindi mo alam kung gaano ko hinangad na mag karoon ng buong pamilya. Nag iiwan sa amin ng inggit tuwing kami’y nakakakita ng Pamilyang puno na pagmamahalan. Hindi mo alam kung gaano ko din hinahangad na sa tuwing kami’y madadapa ay may mag aakay para muling bumangon, sa tuwing kami’y maliligaw ay may mag aakay pabalik sa tama landas. Sa bawat tagumapay at kasiyahan ay may maalayan kami at mababahaginan ng tuwa.

Kahit hindi ka humingi ng tawad ay natutunan namin patawarin ka lalo na ang aking mga kapatid. Binigyan ka namin ng pag-kakataon na madama mo ang aming pag mamahal,….at marami pang taon ang nag daan.

Basta ang alam ko Matagal ng Panahon yon pero di pa rin nag hihilom ang Sugat.

Sa lahat ng Ama, Maligayang Araw sa inyong Lahat!

Advertisements