Huling Hirit sa Tag Araw

 

Kay bilis talaga ng panahon at oras.  Di mo namamalayan na  kalahati na ang taon, at parang kelan lang tuliro tayo sa sobrang init na ating naramdaman. Hinde tayo mag kamayaw sa pag plano ng mga outing. Huling dalawang lingo na lang para humirit sa Tag Araw. Samantalahin na kung kaya pang mag outing. 

Sa pag tatapos ng bakasyon. Balik eskwela nanaman ang ating mga estudyante. Hay gastusan nanaman! Tuition, uniforms at mga gamit pang School. Aligaga nanaman ang mga Mommys sa pag babalot ng mga notebook at libro, gagawa ng label para sa notebook at libro, gagawa ng name plate.at kung anik anik na requirements tuwing unang araw ng pasukan . ‘wag din kalimutan ang  pag attend ng PTA meeting.. hehe. Dapat ngayon pa lang  mag check na tayo ng mga pede pang mag gamit ng ating mga estudyante tulad na uniforms, sapatos at baka pwede pa ang mga bag, labhan lang para magamit ulit. Para din naman makabawas sa gastusin. Tiyak na mag tatas na ng presyo ng gamit pang skul.

 

At syempre Panahon na ng Tag ulan. Ngayon pa  nga lang  napapadalas ang pag ulan, makakaranas nanaman tayo nang mga pag baha, mag suspinde ng klase ng wala sa oras at kung anu ano pang mga suliranin tuwing tag ulan.

 

Sana naman walang masyadong bagyo ngayon sa Pilipinas.. Teka meron pa ba kayong Hirit bago matapos ang Tag Araw?

 

Advertisements