Polvoron at Yema Recipe

Napansin kong marami ang nagview sa naisulat ko tungkol sa Yema at Polvoron, naiisip ko siguro  maraming gustong sumubok at gumawa ng yema o di kay nang polvoron. Tamang-tama nalalapit na ang Pasko kung saan pwede nating pagkakitaan ang pag-gawa nito at pwede rin naman itong gawing pangregalo.

Narito ang recipe at kung paano gawin ang Yema at Polvoron.

yema 2
yema 2

YEMA RECIPE

Ingredients:

1 can condensed milk
1 egg
1 tablespoon butter

Paraan ng Pag gawa:

  1. Pagsamahin ang lahat ng ingredients isalang sa mahinang apoy hanggans sa maging thick ito.
  2. set aside para lumamig.
  3. gamitin ang dulo ng kutsara sa pag hulma ng yema ball  at ilagay sa cellopane.

Polvoron ( Short Cake )

Ingredients:

1 Kl all-purpose flour
1/2 kl powdered milk
1/2 kl sugar
1/4 kl melted butter

Paraan ng Pag gawa:

* Isangag ang all-purpose flour to sa mahinang apou hangang maging light brown. (Maamoy naman kung luto na ang arina.)
* Ihalo ang sugar and powdered milk. (haluin maige)
* ihalo ang tinunaw na butter.
* Haluin maige ang ang mixture
* I mold ang polvoron sa polvoron molder at ibalot sa cellophane. ipack ng maayos or ilagay sa decorative box.

Ang paggawa ko ng Polvoron  ay naifeature sa kumikitang kabuhayan sa ABS CBN wala pa lang schedule of airing dun ko ipinakita kung paano gumawa ng Polvoron.

Advertisements

My first Tote

Nag iisip ako ng isang business na kaya ko at yung tipong magkakainterest ako. Isang araw habang nakikipag kulitan ako sa YM sa isang friend nag tanong sya kung me kilala akong mananahi sagot ko ako.
Akala nya joke lang pero sabi ko nanahi talaga ako .. so ibinigay na nya ang detalye at kung sino ang nag papahanap ng mananahi. Isang kaibigan nya na gumagawa ng bag during christmas season, nakipag set akong meeting para makuha ang material na gagwing samples ng bag, pero hindi yun ang nangyari… madamikami napag usapan pero medyo hesitant na ko me mga bagay na di malinaw. Nang ikwento ko sa friend koang mga pangyayari pina tigil na nya ako wag na lang daw. Sabi ko nga ako na lang ang gagawa “Why not!” dun ko pinag isipan at pwede dahil una hilig ko ang bag at marunong ako manahi. sinabi ko sa kanya na mag design sya at ako ang gagawa.. nag yes naman sya at nag kasundo kami na mag venture sa business na ito.. medyo kinakitaan ko na sya ng problem s choice ng material na napili namin. native material kasi at leatherette. at dahil sa first time din namin kailangan ko mag source kung saan talaga ang bilihan ng raw materials. Una kong sabak eh sa quiapo, sumunod sa divisoira at dahil sa hindi ko kabisado di ganung ka success ang pag hahanap ko. pero alam ko makikita ko rin lahat ang kailangan ko materials. ito ang bag. ito naman ang loob ng bag me silk lining na orange.