Isang Tula…

Nalalapit nanaman ang pag diriwang ng mga Dakilang Babae Sa Mundo,

ang ating Ina,, sumubok akong mag sulat ng tula para sa aking ina, kahit wala na s’ya para pa rin sa kanya ang tulang ito. at para na rin sa mga Ina.

 

Nang mag pasya ang  Diyos na ako’y maging iyo

Siyam na buwan ang ipinag hirap mo.

Hindi biro ang ako’y dalin ng ganun katagal

Sa iyong sinapupunan.

Ang bawa’t galaw ko’y ligaya ng iyong puso

Hudyat sa iyo na akoy buhay, At Bawat araw

dalangin mo ang kaligtasan ko.

 

At ang  takdang araw ng pagdating ko

Buhay ang itinaya mo.

Sa araw ng ating pagkikita, labis ang iyong kasiyahan.

At ang puso mo’y umaapaw sa kagalakan.

Sa bawat haplos ng iyong kamay pagmamahal mo

Ang nararamdaman ko.

Hindi ka mapakali kapag akoy balisa.

At sa bawat pag iyak, bakas sa iyong mukha

Ang matinding alalahanin.

 

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana

Hindi mo man gusto tayo ay nag kawalay.

At sa pagkawala’ mo ang puso ko ay nangulila

Sa iyong pagmamahal,At ang puso ko ay

nasabik sa iyong pag aruga.

Bawa’t araw  walang  inaasam kundi

ang muli kang makasama.

 

 

May pag kukulang ka man ay sadyang ayos lang

Pagkat ikaw ang bigay nang Maykapal

Ano man ang pinag daanan nating dalawa

Mananatili ka sa puso ko bilang aking Ina.

 

 MALIGAYANG ARAW NG MGA INA….

 

 

Advertisements