Hanggang kailan kita mahal?

Dalawang Linggo na ngayon ang nakalipas ng mag hiwaly kami ng mahal ko. Marami na rin ang nag bago sa kin simula ng pag hihiwalay, nabalot ng lungkot ang unang linggo ko sapagkat hindi ko mailabas lahat ng nararamdaman ko. Personally wala akong nakausap agad sa mga kaibigan ko na patuloy na nag mamahal sa akin. Basta ang sabi nila sa akin sa txt “Kaya Mo Yan” ang iba ang sabi “hindi sya kawalan, pag sisihan nya ng iniwan ka nya”. Halos lahat ng kaibigan ko ay nagalit sa kanya. Pero ako hindi ko magawang magalit kahit alam ko kagaguhan na. Nuong sunday nakatulong ang Homily na napakinggan ko. ito yung tungkol sa mission ng bawat isa sa atin. Na realize ko na halos 2 taon ko na palang pinatay ang sarili ko dahil sa pag mamahal ko sa kanya. Pinatay ko ang sarili kong kaligayahan para ibigay sa kanya. Halos isinakripisyo ko ang lahat para sa kanya. Ang pag hihiwalay namin ang syang naging dahilan upang mabuhay akong muli ipina alalang muli sa akin ng Panginoon na hindi lang sa kanya dapat ako mabuhay, hindi lang siya ang taong nag bibigay sa akin ng saya at  hindi ko na din napansin ang aking pamilya dahil minsan iniisip ko pa sya kesa sa kanila, pinalo akong muli ng Panginoon upang ipaalala sa akin na ang pamilya ko ang higit na makapag bibigay sa akin ng saya at pagmamahal yung tinatawag na unconditional Love. Kasi nga naman tayo minsan pinaiiral ang katigasan ng ulo, kahit mali pilit pa rin nating ginagawa ang kamalian kaya dumadating sa bandang huli tayo ang iiyak.
Sa misang ‘yon parang nawala ang sakit na nararamdaman ko, gumaan ang loob ko pag labas ng simbahan. Isa na lang ang kailangan ko gawin ang ikumpisal ang pangyayring ito at ihingi ng tawad.
Natanggap ko na sa sarili ko na hindi na ako ang mahal nya pero patuloy ko pa din syang mamahalin  ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan, pero nanatiling sya lang ang mahal ko sa ngayon.  At kahit nag kamali ako walang hanggang ang pag mamahal sa akin ng Panginoon…at muli ko itong ibabalik para sa aking kapatawaran.
Hanggang kailan kita mahal ? habang ang pilat na dulot mo sa’ puso ko ay di nawawala..  Salamat at nakilala kita, sa pagbibigay kulay mo sa aking buhay salamat sa mga sakit na naramdaman ko.at sa lahat ng natutunan ko sa’yo. alam ko sa puso mo minahal mo din ako.

Advertisements

Hanggang may pag-ibig….

Hindi ko alam kung nakapag move on ka na…  Hanggang alam kong  nariyan ka pa hindi mawawala ang pag mamahal ko sa’yo. Kahit maghilom ang sugat na dulot mo sa Puso ko, kahit ako’y iyong nilisan, di ko pa din magawang lumayo sa’yong piling. Paulit ulit ko man kantahin ang himig na ito  gagawin ko upang malaman mo kung gano kita kamahal

Para  sayo…OJS

Hanggang Saan

Isang linggo na ang lumipas ng matapos ang halos 2 taong pag sasama at pag sasakripisyo sa taong minahal ko. Masakit pa kung aalalahanin ko ang lahat. Nakakapagod din pala ang umiyak at ang umiyak ng wala ka namang  mailuha.
Hindi man naging pormal ang pag hihiwalay namin ng mahal ko pero sapat na sa akin ang malaman ko na may mahal na syang iba dahi mahal ko ibinigay ko ang  hiningi nyang kalayaan. Masakit sa akin na sabihin nyang  “ipinag lalaban mo ako mahal, pero hindi na kita kayang ipag laban dahil may mahal na akong  iba”.  Hindi ko na iisipin pa ang mga pag hihirap at sakripisyo nagawa ko ng dahil sa kanya dahil siguro ganun talaga na pag mahal mo ang isang tao magagawa mo ang mga bagay na hindi mo dapat ginawa. Sa ngayon may may oras na naiiyak ako at halos gabi gabi ay nagigising akong sya ang naiisip ko. Mabigat sa dibdib pero dapat ko ng tanggapin ang nangyari. Dapat ko na din maiintindihan na me dahilan ang lahat ng ito. Bakit nga ba maraming Tao ang nagiging Tanga sa pag ibig. Malaking katanungan para sa akin ngayon kung bakit lagi akong iniiwan ng mga taong pinag uukulan ko ng panahon at pag mamahal. Hanggan saan ang pag hihirap na ito at hanggang kailan ako mag hahanap ng taong mamahalin ako kung anu man ang meron ako at tatanggap sa pag mamahal na kaya kong ibigay. Sa ngayon nasa acceptance stage ako at yun lang ang kailangan, minsan akala mo kayo na talaga forever pero hindi pa pala kase may makikilala pa.. ako or sya na higit pa…. May mga dahilan daw kung bakit tayo sinsaktan at pinaiiyak ng taong mahal natin, ito ay bahagi lang ng ating dapat matutunan.

….Ang pag ibig ay nag iiwan ng alaalang hindi kailanman mananakaw… pero madalas nag iiwan ng pilat sa puso nanag bibigay ng alaala ng ating pinag daanan.

Masakit ang Tatlo

One week na ang nakakalipas ng ma confirm ko ang panloloko ginagawa sa akin ng taong minahal ko ng mahigit 2 taon. ” Lam mo b na aside frm u eh mern pa cyaiba mahal?” Unang reaksoyon ko eh kung sa akin ba ang txt or na mali lang sa pag sent. pero ng tanungin ko kung sa akin at ako ang tntxt nya sinagot nya ako ng “oo ikaw nga”. naguluhan na ako at kinabahan. Marami pang palitan ng txt msg ang nag daan sa amin ng araw na iyon at na confirm ko na pareho kami ng taong pinag uukulan ng pansin. ang kaibahan lang namin eh mas madalas kaming mag-kasama, samantalang sila eh sexual partner lang pero mahal daw nya ang mahal ko kaya nya binalikan. Halos pinag sabay kaming 2. ang sinasabi nya ay matagal na silang mag kakilala at 2 years silang naging official. Lat year lang sila nag kalabuan at almost 9 months silang di nag kikita. at late last year lang muli nyang binalikan ang mahal ko at twice a month na kung mag kita dahil sa tawag ng laman. Masamang masama ang loob ko dahil sa nalaman ko. Pero  kahit natuklasan ko ginawa sa kin ng aking mahal ay nagawa ko pa rin tanggapin ang kalokohang ginawa nya.

Sa ngayon unti unti kong tatanggapin ang muli kong pag katalo. At salamat sa dun sa Itaas dahil habang lumilipas ang araw ay nawawala ang galit ko sa sarili ko at wala din akong galit sa taong nanloko sa akin.
Salamat din at may kaibigan akong maganda ang mga pinapayo sa akin. Tama nga sigurong wag na kami mag harap harap na tatlo dahil wala naman kami mapapala sa isa’t isa tutal ang sabi naman ng mahal ko wala syang pipiliin sa aming dalawa nakakasakit marinig ang ganun pero kailangan tanggapin.

Hindi pala talaga maganda ang Tatluhan…. Masakit na ang  Tatlo.