Labing Dalawang Buwan


Isang taon na ang lumipas ng tayo ay mag kakilala, maraming bagay at pangyayari ang pumapasok sa isip ko nuong tayo ay nagsisimula pa lang. Hindi ko maibigay ng buo ang aking isip at puso sayo dahil sa takot na muli akong masaktan. Kung ilan beses rin namang  sumubok makipagrelasyon ay siya rin naman ilang beses na nasaktan. Nang dumating ka sa buhay ko, sinabi ko hindi ko na hahayaang mangyari ang mga naranasan ko sa mga nagdaan na relasyon. Kung ano lang ang ibibigay mo yun din ang ibibigay ko para kung sakaling hindi man magtatagal hindi rin gaanong masakit. Pero lumagpas sa anim na buwan ay patuloy pa rin tayong dalawa. Kaya naitanong ko sa sarili ko na ikaw na kaya ang sagot sa matagal ko ng inaasam? Marami tayong pinagdaanan, maraming beses din tayong  away – bati na sya sigurong nag patibay sa ating dalawa upang tumagal ang ating pagsasama. Alam ko marami pa tayong mararanasan na problema sa mga darating na araw sana lang handa tayong harapin pareho ito… Nagpapasalamat ako sa pagdating mo sa buhay ko. 

I love You OJ

Advertisements