A good reflection for the Lenten Season. Truly Nothing in this Earth last. Even a designer clothes last.
Today as we start the Lent season Let’s ask ourselves what investment do we have to know that truly lasts? all we have now will soon be turned into dust and ashes…
Walang Pagmamaliw
Nagbabago ang kalikasan.
Naglalaho ang kagandahan.
Binabago ng panahon,
Pati kahulugan ng kahapon.
Kumukupas ang karangalan.
Nalilimot ang pangalan.
Kung lahat na lang lumilipas,
Ano kaya’ng di maaagnas?
Isa lang ang di nagmamaliw:
Ang pag-ibig Mo, Giliw.
Sa mundong walang katiyakan,
Pag-ibig Mo’y tanging sandigan.
Anuman ang aking sapitin,
Makakaya ko’ng pasanin,
Ipabatid Mo lang sa akin:
Ako’y mahal Mo pa rin.
Masumpungin ang damdamin,
Malambing at matampuhin.
Kung nagmamaliw ang pangako,
Saan kaya ‘di mabibigo?
Isa lang ang di nagmamaliw:
Ang pag-ibig Mo, Giliw.
Sa mundong walang katiyakan,
Pag-ibig Mo’y tanging sandigan.
Anuman ang aking sapitin,
Makakaya ko’ng pasanin,
Ipabatid Mo lang sa akin:
Ako’y mahal Mo pa rin.
Music by Manoling V. Francisco, SJ
Lyrics by Manoling V. Francisco, SJ and Roy Tolentino
Featuring May Bayot