New SSS contribution schedule

Capture

Effective April 2019 The new Social Security System Contribution Schedule which will be payable on May 2019.

Max Monthly Salary Credit – PhP20,000.00. The maximum employee’s Contribution (EE) is now PhP800.00 those earnings PhP19,750.00 and above. An increase of PhP218.70 from the current employee’s contribution PhP581.30.

Minimum Monthly Salary Credit is PhP2,000.00 for those with compensation below Php2,250.00.

54194675_10157370736602868_6670044503715348480_o.jpg

photo credit here.

Advertisements

Walang Pagmamaliw

A good reflection for the Lenten Season. Truly Nothing in this Earth last. Even a designer clothes last.

Today as we start the Lent season Let’s ask ourselves what investment do we have to know that truly lasts? all we have now will soon be turned into dust and ashes…

Walang Pagmamaliw

Nagbabago ang kalikasan.
Naglalaho ang kagandahan.
Binabago ng panahon,
Pati kahulugan ng kahapon.

Kumukupas ang karangalan.
Nalilimot ang pangalan.
Kung lahat na lang lumilipas,
Ano kaya’ng di maaagnas?

Isa lang ang di nagmamaliw:
Ang pag-ibig Mo, Giliw.
Sa mundong walang katiyakan,
Pag-ibig Mo’y tanging sandigan.

Anuman ang aking sapitin,
Makakaya ko’ng pasanin,
Ipabatid Mo lang sa akin:
Ako’y mahal Mo pa rin.

Masumpungin ang damdamin,
Malambing at matampuhin.
Kung nagmamaliw ang pangako,
Saan kaya ‘di mabibigo?

Isa lang ang di nagmamaliw:
Ang pag-ibig Mo, Giliw.
Sa mundong walang katiyakan,
Pag-ibig Mo’y tanging sandigan.

Anuman ang aking sapitin,
Makakaya ko’ng pasanin,
Ipabatid Mo lang sa akin:
Ako’y mahal Mo pa rin.

Music by Manoling V. Francisco, SJ
Lyrics by Manoling V. Francisco, SJ and Roy Tolentino
Featuring May Bayot

Mahirap Mawalan

Kagabi ay dumalaw kami sa burol ng ama ng isang ka Brother  sa Singles for Christ. Dumating kami na nagbibigay ng Service ang  mga ka Brother and Sister sa CFC kung saan kasapi ang namatay. Naroon din ang mga kamag anakan ng namatayan na nabbilang din sa Christian Community at nag alay din ng panalangin at mga awit sa namatay, dito nagbigay ng konting pag alala sa namatay at ang dalawang anak ang syang nag sariwa ng kanilang mga karanasan sa kanilang yumaong Ama. Dito mo mararamdaman ang sakit na mawalan ka ng mahal mo sa buhay lalo pa’t ito’y isa sa iyong mga magulang. Masakit at mahirap tanggapin ang katotohanang wala na ang isa man sa kanila.

Sampung taon din ang nakalipas ng mamatay ang aking ina. Mahirap tanggapin ang kanyang pagkamatay, yan ang aming nararamdaman nung siya ay mawala. Isipin nyo, hindi namin nakasama ang aming mga magulang ng matagal na panahon dahil sa kanilang paghihiwalay pero para sa aming magkakapatid ang pagkamatay n’ya ay napakasakit. Hindi man kami lumaki sa kanyang pag aaruga ngunit may kung anong natanggal sa’yo. Alam kong masaya  ang aking Ina nung mamatay sya, dahil naramdaman nyang kahit sa maikling panahon di namin sya iniwan. naging masaya din ako dahil kahit sa panahon na iyon  napag silbihan ko/namin ang aming ina  noong s’ya at nasa banig ng kahirapan.

Sa sinabi ng isang anak na sana magawan ng kanyang Kuya na mapahaba pa ang buhay ng kanyang ama ngunit sino nga ba ang kanyang kuya. Ang tanging nasabi na lang ng kanyang Kuya ay “Tanggapin mo na”. Naalala ko  noong oras na binigyan kami ng Doktor nang instruction na kami ang mag pump para tulungan ang nanay sa paghinga natakot kami magkakapatid na nasa ospital. Parang nasa amin ang itatagal o ikakabubuhay nya nuong mga panahong iyon.

Tama din ang sinabi ng isang anak na hangga’t buhay ang mga magulang natin sabihan o iparamdam natin ng ating pag mamahal. Hindi kung kelan wala na saka natin sasabihan ng “I love you”. Kami ng aming nanay bago pa sya nawala ay nakapa patawaran na kami sa pag iwan nya sa amin, at kami naman sa mga pag kukulang namin bilang kanyang anak.

Isa lang ang tandaan natin na hindi lahat ay permanente sa mundo. Hindi natin alam kung kailan tayo tatawagin ng Panginoon. Pahalagahan natin ang bawat taong nag mamahal sa atin lalo na ang ating mga Magulang.

Sharpen the Axe

Mahalia Jackson ni lolabelles patchi batchi ang aking trabahetch? filet o’ fish ni lolabelles pa batchi ang ginagawatchi ni lolabelles chorva? ang sagot ni lolabelles “hindi” chorva. pereklavu vakit ngatchi batchi? marahil ay sa dahilang washington katchi ng nakikitang etch mudraasahang pag bavagetch etch yung tinatawag ng career path chorva. nuon chorva, masyadetch sokimng agresibetch satchi work na ibinigay satchi akin ngunit dumating ang araw natchi hindi na si lolabelles masayatchi satchi gingawatchi ni lolabelles chenelin. hinahanap ni lolabelles ang kasagutan kung anu batchi ang kulang patchi sa akin chorva? sa pag hahanap ni watashi ng kasagutan tarush, etetch isang kwentetch na marahil ay kailangan ni lolabelles gawin chenes. naitanong ni watashi tuloy satchi sariliski ni watashi kung kelan ni watashi nga va ulit hinasatchi ang aking kaalaman tarush?

Once upon a time, a very strong woodcutter asks for a job from a timber merchant, and he got it. The pay was really good and so were the work conditions. For that reason, the woodcutter was determined to do his best. His boss gave him an ax and showed him the area where he was supposed to work.

The first day, the woodcutter brought 18 trees down. “Congratulations,” the boss said. “Go on that way!” Very motivated by the boss’ words, the woodcutter tried harder the next day, but he only could bring down 5 trees. The third day he tried even harder, but he only could bring down 10 trees. Day after day he was bringing down less and fewer trees.

“I must be losing my strength”, the woodcutter thought. He went to the boss and apologized, saying that he could not understand what was going on.

“When was the last time you sharpened your ax?” the boss asked.

“Sharpen? I had no time to sharpen my ax. I have been very busy trying to cut trees…”

Upang makakuha ng mga pinakamainam na resulta, kailangan nating patuloy na patalasin ang ating mga kasanayan.

(Subok lang mag bekimon)

Diploma

Kahapon ay dumalo ako sa graduation ceremony ng aking pamangkin, na nagkamit din ng natatanging karangalan. Simple at ramdam mo ang kasiyihan at kalungkutan sa bawat isang naroroon. Naging madamdamin ang tagpong inialay ng mga nagsipagtapos sa kanilang magulang ang kanilang mga diploma. Halos lahat ng nasa likuran kong mga magulang ay umiiyak dahil sa kasiyahang nararamdaman nila.  Isang achievements na naitawid na nila ang anim na taon ng kanilang mga anak sa elementarya. Para sa mga magulang, isa itong tagumpay dahil kahit maraming pagsaubok na ang dumating ay pilit nilang itinaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Ako man ay naiiyak din at ramdam ko ang kasiyahang iyon, kahit hindi ako magulang. Sa sitwasyon ng aking pamangkin na lumaking hindi kasama ang kanyang ina dahil sa ibang bansa ito nagtrabaho, nakakatuwang isipin na napagtagumapayan niya ang anim na taon sa elementarya. Para naman sa aking kapatid alam kong labis ang kasiyahan niya dahil nagbunga din ang kanyang mga sakripisyo.  Hindi biro para sa isang magulang ang mapalayo sa kanyang anak pero hindi rin naman sya binigo ng kanayng anak dahil hindi lang diploma kundi may bonus pa na medalya.

Para naman sa mga nagtapos naging maramdamin din sa kanila ang pag-awit ng kanilang Graduation Song. Duon, mararamdaman ang kanilang  kamusmusan, dahil  sa kanila ang paglisan sa kanilag mahal na paaralan, sa kanilang mga Gurong naging pangalawang magulang at sa mga kamag aral na naging kapatid at kaibigan sa bawat araw nila bilang estudyante ay “natapos na”. Hindi nila naisip na darating ang araw na magkikita silang muli at babalikan ang masayang araw na kanilang pinag-samahan.

Ang tema ng patatapos ay patungkol sa hamon sa kabataan tungo sa pag-unlad ng bansa. Totoong nasa kabataan ang pag-asa ng isang lipunan, ngunit tayo pa rin ang gagabay sa kanila para makatugon sa hamon na iyon. Ang diploma na kanilang natanggap ang mag-sisilbing inspirasyon para sa kanila para tugunin ang hamon ng lipunan.

Para sa mga nagtapos congratulations! dahil  matagumpay ninyong narating ang isang yugto ng inyong buhay bilang estudayante, para sa mga nagtapos sa kolehiyo maging handa tayo sa lahat ng possibleng mangyari  sa paghahanap ng ating kapalaran, maging matatag dahil sa kakulangan ng trabahong nakalaan baka hindi agad makuha ang  minimithing pangarap.

Kahit natapos na tayo sa pag-aaral ay ituloy pa din natin ang pag-tuklas sa ating mga kakayahan para maiangat pa ang antas ng ating kaalaman at maging maunlad ang ating pamumuhay.