Movie Review: Bakwit Boys

Wala akong idea kung ano ang nakapaloob na istorya sa Pelikulang Bakwit Boys basta ang alam ko manonood ako nang sa Pista ng Pelukulang Pilipino. Isa itong Bakwit Boys sa tatlong Pelikulang gusto ko na  mapanuod. Narito ang aking obserbasyon sa pelikula:

PicsArt_08-18-12.25.27

Bakwit Boys  Pista ng Pelikulang Pilipino 2018, August 15-21.
Direktor: Jason Paul Laxamana
Manunulat: Jason Paul Laxamana (story and screenplay)
Orihinal na Musika ni Jhaye Cura

Ang Bakwit Boys ay isang istorya nang pagsasamahan ng magkakapatid at  kwento rin ng mga taong walang tigil sa pagtupad ng kanilang pangarap. Ipinakita din ng pelikulang ito ang koneksyon ng bawat isa sa pagbuo ng kanilang mga pangarap at hindi magiging buo ang pangarap kung wala ang isa’t isa.

Ang magkakapatid na Datul ng Isabela ay napapadpad sa pangangalag na kanilang Lolo. Dahil sa nasalanta ng bagyo ang kanilang lugar. Hindi nila inaasahan na maiimbitahan silang kumanta sa Fiesta at duon nabansagan bilang Bakwit Boys.

Maganda ang sinematograpiya, maaliwalas sa paningin.  Napakaganda din ng musikang ginamit tulad ng “Ligtas ka na” kung saan sila nakilala sabi nga napaka uplifting ng kanta at catchy.  “Patibong” at  si “Fiona” na naging bahagi ng buhay nang magkakapatid. Hindi man pang award ang mga acting nila pero ramdam mo ang bawat eksena natural ang pag-arte yung tipong para naroon ka/kasama sa bawat eksena. Ramdam ko yung pag aaruga at pag mamahal ng isang nakakatandang kapatid tulad ni Elias, na magaling na nagampanan ni Vance Larena. Sana marmi pang Pelikula ang magawa n’ya. Si Nikko Natividad, facial expression at ang matang nangungusap ang nagdala sa kanyang pag arte, Simple lang din ang pinakitang akting ni Rose, Devon Seron. Ang nagustuhan ko sa kanya yung scene na umiiyak sya sa  confrontation na eksena nila ni Nikko, hindi inarte ang dating iba kasi parang may hika kapag umiiyak. Isama na ang galing n’ya  sa pagkanta. Syempre hindi rin naman papahuli ang ibang kasama sa pelikulang ito tulad ni Ryle Paolo Santiago sya yung tipong patawa sa kanilang magkakapatid hindi pilit ang akting bilang Joey at Mackie Empuerto bilang si Sonny.

Hindi maalis sa isip ko yung linya ni Nanding Josef mapagod kang umasa, sige. pero wag kang mapagod mangarap.”

Masasabi ko na may konting kabagalan ang takbo ng pelikula pero nailahad naman ng maayos ang kwento. Sana nga lang hindi na ipinakita ang sa huling part ng movie yung kalagayan ng kanilang magulang na parang sa tingin ko ay mukhang hindi nasalanta.

Ang ibang kasama sa Pelikula tulad ng batikang actor na si Nanding Josef, Frank Guinto, Sebastian Castro, Cai Cortez, Alma Concepcion, Jeric Raval, Eagle Riggs, Kiray Celis and Albie Casino.

Kung bibigyan ko ito ng grado ay 8/10, ito ang pelikulang wala akong komento habang nanunuod.

#BakwitBoys

Follow my blog with Bloglovin

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s