Tula: Ang PunongKahoy

Mahirap talagang magsulat kapag wala kang maisip na isusulat. Kagabi nagpagawa ng tula ang aking pamangkin tungkol sa isang punong kahoy at narito ang kinalabasan matapos ang ilang oras na pinagisipan.

1

Makikita mo ako’ng nakatayo kahit saan

Sa gubat, burol o  maging sa kapatagan

Minsan ako’y payat at maliit

O di  kaya naman mataas at malaki.

2

Tila mga braso na nakadipa

ang aking mga sanga

Di napapagod mapag lambitinan

ng ibat-ibang hugis ng dahon at bunga.

3

Hindi man pantay ang aming laki

iba’t-iba man ang aming uri,

Yanigin man kami ng hangin

Sa lupa pa rin ang aming tingin.

4

Madalas nilalaro ako ng hangin

na tila nagpapahabol sa akin,

Ang huni ng mga ibon ay aking musika

magpalipat-lipat man sila sa aking sanga.

5

Ang sikat ng araw ay tila karayom

na tumutusok sa’ king balat at mga dahon,

sinag ng araw na gustong kumawala

sa kumpol  ng  mga  dahon

upang humalik sa lupa.

6

Kinikiliti ang balat at naka usling ugat

ng mga damong  sa parang nagkalat,

Yumayakap ang baging sa aking katawan

dumdikit naman ibang uri ng halaman.

7

Ang aking katawan ay matangkad at makisig

Nag-aanyayang abutin aking mga bisig

sa lilim na hatid ko ika’y ikukubli

upang sa sikat ng araw balat ay di mag-hapdi.

8

Ako’y punong kahoy na iyong kailangan

Mahalaga sa iyong kapaligiran,

Samo ko sana ay huwag pabayaan

Na ako’y maubos sa kagubatan.

Advertisements

2 thoughts on “Tula: Ang PunongKahoy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s