Sana’y di mag-maliw……

“Sana’y di mag-maliw ang awit ni inang mahal..”

Napakaganda ng isang awiting tagalog, para sa mga ina. Nalalapit na naman ang Araw ng mga Dakilang Babae sa Mundo. Kahit matagal na pumanaw ang aming Ina walang araw na di s’ya  sumagi sa aking isip,  bagama’t di kami lumaki sa kanya. Bata pa lang kami ng magkahiwalay sila ng aking ama kaya’t lumaki kami sa piling ng aking lola at dalawang tiyahin.

Hindi man kami nagkasama na aking Ina ng mahabang panahon, di man kami madalas magkita nuong nabubuhay pa s’ya, gumawa ang panginoon ng paraan upang sa mga huling sandali ng kanyang buhay dito sa mundo ay mapagsilbihan pa namin siya. Nagkaroon kami ng pagkakataon ng maipadama namin ang pagmamahal at pag mamalasakit sa aming ina. Duon naramdaman ko na kahit di mo pala siya nakasama ng mahabang panahon may kung anung damdamin ang maguugnay sa inyong dalawa at malilimutan mo ang lahat ng nakaraan. Hindi mo mararamdaman na matagal kayong hindi nagkasama, nalala ko pa nuong magkasarilinan kami ng aking Ina. Panay ang hingi nya ng tawad dahil sa naging mahina daw ‘sya nuong panahon  na magulo ang relasyon nila ng aking ama na nauwe sa hiwalayan. “Wala na iyon” ang tanging sagot ko , napalaki naman kami ng maayos. Siguro kung nuong mga panahon na hindi pa ganuon kalawak ang aking pag iisip baka iba ang naisagot ko sa kanya.

Ang pagging Ina ay di mo talaga masusukat at hindi kailanman sinusukat. Kahit nga hindi mo tunay na ina, at di ka n’ya dinala sa kanyang sinapupunan mararamdaman mo na naroon ang pagmamahal , pagkalinga at ang pagturing sa’yo bilang anak .

Minsan, may pinayuhan ako na kaibigan na umuwi sya sa kanila sa Batangas at dalawin nya ang kanyang Ina. Alam nya na nagtatampo na ang kanyang Ina ngunit di pa rin nya ito pinupuntahan. Ngayon na  magtatapos s’ya sa kolehiyo ay ayaw s’yang puntahan ng kanyang Ina. Ang sabi ko nga dapat sya mismo ang magsabi na sya ang dadalo sa kanyang pagtatapos at iaalay nya ang kanyang diploma sa kanyang ina. Sinabi ko sa kanya na hanggat nariyan ang kanyang Ina, mahalin at bigyan ito ng pansin, huwag ng hayaan dumating sa panahon na sisihin pa natin ang ating sarili sa mga pagkululang natin sa ating Ina.

Kaya sa mga makakabasa nito, kailan nyo huling nakusap o nakamusta at nakasama man lamang ang inyong ina? hindi ba nagmamaliw ang inyong pagmamahal sa inyong ina?

Advertisements

Published by barquera

I am an HR practitioner by profession. I have a passion for writing but definitely not a writer. I created this blog 2008 just to journal my thoughts, ideas and my opinions that went through my mind. Now I'm back into blogging after almost 6-year hiatus.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Engagement Imperative

People & Leadership . Total Employee Experience . Human Resources

3 Under 3 and Me

Recovering Superwoman

Filipinang Manunula(t)

This is how i express myself

AskHR

Should you Ask!

askHR_HeyRaul

embracing the natural

RENDEL Z. LOTINO

(the heARTist)

ABucketListBabe

Ticking off every item on my ultimate bucket list

Weddings

tips , tricks , free plr articles

PassiveDough.com

A blog about Earning Passive Income Online

Juan Bautista Stories

Books, Stories, Blogs & Merchandise

THE MIND OF RD REVILO

Conscious Thought: Driven by Intelligent Awareness

The Art of Blogging

For bloggers who aspire to inspire

Everydayhero

life & travel / vida & viajes

Endless Roaming

An Aussie that loves to Roam about our globe #happytravels

#MILLENNIALLIFECRISIS

I dont have the answers, just a lot of questions.

Kangaroo’s Pouch by Ara Casas-Tumuran

Motherhood | Breastfeeding | Lifestyle & Events

%d bloggers like this: