Diploma

Patapos na ang klase at halos abala na sa nalalapit na pag-tatapos. Kahapon ay dumalo ako sa graduation ceremony ng aking pamangkin, na nagkamit din ng natatanging karangalan. Simple at ramdam mo ang kasiyihan at kalungkutan sa bawat isang naroroon. Naging madamdamin ang tagpong inialay ng mga nagsipagtapos sa kanilang magulang ang kanilang mga diploma. Halos lahat ng nasa likuran kong mga magulang ay umiiyak sa kasiyahang nalagpasan nila, ang anim na taon sa elementarya. Para sa mga magulang, isa itong tagumpay dahil kahit maraming hamon ang dumating sa kanila pilit nilang naitaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Ako man ay naiiyak din at ramdam ko ang kasiyahang iyon kahit hindi ako magulang. Sa sitwasyon ng aking pamangkin na lumaking hindi kasama ang kanyang ina dahil sa ibang bansa ito nag trabaho nakakatuwang isipin na napag tagumapayan niya ang anim na taon sa elementarya at para naman sa aking kapatid alam kong labis ang kasiyahan niya dahil nagbunga din ang kanyang mga sakripisyo, ang malayo sa kanyang anak dahil binigyan siya ng aking pamangkin ng hindi lang diploma kundi may bonus pa na medalya.

Para sa mga nag tapos naging maramdamin din sa kanila ang pag awit ng kanilang Graduation Song. Duon mo mararamdaman ang kanilang  kamusmusan dahil para sa kanila ang paglisan sa kanilag mahal na paaralan, sa kanilang mga Gurong naging pangalawang magulang at sa mga kamag aral na naging kapitd kapatid at kaibigan sa bawat araw nila bilang estudyante ay natapos na. Hindi nila naisip na darating ang araw ay magkikita silang muli at babalikan ang masayang araw na kanilang pinag samahan.
Ang tema ng ay patungkol sa hamon sa kabataan tungo pag-unlad ng bansa. Totoong nasa kabataan ang pag asa ng isang lipunan, ngunit tayo pa rin ang gagabay sa kanila para makatugon sa hamon na iyon. Ang diploma kanilang natanggap ang mag-sisilbing inspirasyon para sa kanila para tugunin ang hamon ng lipunan.

Para sa mga nagtapos congratulations, dahil na pag tagumapyan matagumpay ninyong narating ang isang yugto ng inyong buhay estudayante, para sa mga nagsipagtapos sa kolehiyo maging handa tayo sa lahat ng maaring mangyari sa atin sa paghahanap ng ating kapalaran maging matatag dahil sa kakulangan ng trabahong nakalaan baka hindi agad makuha ang mga minimithing pangarap.
Kahit na natapos na tayo sa pag aaral ay ituloy pa din natin ang pag tuklas sa ating mga kakayahan para maiangat pa ang antas ng ating buhay.

One thought on “Diploma

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s