Kagabi ay napnuod ko na ang Part 1 ng final book ng Harry Potter and the Deathly Hollows.  Last year nag try ako basahin ang book pero lagi ko naman itong nakakatulugan ( hehe ginagawa ko talaga sya pang patulog). Pero ang kapatid ko naka ilang ulit ng nabasa ang libro kaya minsan natanong nya kung paano kaya sa movie dahil mahaba daw ata maraming charcter na idinagdag sabi ko naman sa kanya anu ka ba hindi naman kung ano ang nasa libro eh eksaktong isa pelikula syempre babawasan nila.

Ang pag kamatay ni  Dumbledore,  ang lalong nagbigay ng lakas ni  Voldemort upang ma control ang Ministry of Magic. Nag pasya ang Ministro ng Magic na basahin ang last will and testament ni Dumbledore sa harap nina Harry, Ron at Hermione , sila ay binibigyan ng apat na mga bagay.  Kay Ron ibinigay ang isang Deluminator – isang bagay na maaaring makuha ang anumang mga ilaw sa malapit. Si Hermione naman ay nakuha ang isang libro The tale of the Beetle the Bard habang  si Harry ay binigyan ng isang snitch na sya nyang unang nahuli sa kanayng unang Quidditch match.  Ang huli ay ang nawawalang Sword ng Gryffindor. Ang tatlo ay naniniwala na ang mga item na ito ay makakatulong sa kanila para hanapin ang mga natitirang mga Horcruxes, naniniwala sila na ito lang ang paraan para sirain ang mga Horcurux at sa huli matigil ang kasamaan ni  Voldermort.


Naging kapansin pansin ang patuloy na pag mature ng mga batang artista  simula ng ipalabas ito nuong 2001, si Harry Potter (Daniel Radcliffe), Ron Weasley (Rupert Grint) at Hermione Granger (Emma Watson). Sa mga nag daan na Harry Potter  ay nabigyan na sila mga hamon sa pag arte. At mas lalo pa napansin ngayon ang kanilang husay si Daniel naman ay laging magaling sa mga dramatic scenes nya. Si Emma naman ay mas lalong napansin lalo na sa mga highlights nya una yung pag bura ng memorya nya sa kanayang mga magulang at sa kanilang tahanan at yung isa yung slow-dancing with Harry to show of their friendship, si Ron naman ay laging pang comic relief ng movie.

Nagustuhan ko yung  chasing scene ng itakas si Harry at ang iba [ang Harry Potter doppelgangers  For me this Part 1 is terrifying and  I guess you will find yourself holding your breath on several scenes. Gusto ko yung animated scenes habang ikinwento  ni Xeno ang father ni Luna ang tungkol sa Deathly Hallows

Ang kuwento ay tungkol sa tatlong mag kapatid na sinalubong ang Kamatayan sa kanilang daan isang gabi. Ang mga ito ay binigyan ng reward mula sa kamatayan  dahil sila ay nakatakas sa kamatayan ng nagawa nilang makatawid ng hindi nalulunod sa isang mapanganib na ilog. Ang unang kapatid na humihingi ng isang wand na magbibiga sa kanya na palaging manalo sa duelo at makatakas sa kamatayan.  Ang ikalawang kapatid humihingi ng isang bagay na maaaring pagpapabalik ng iba sa kamatayan. Ibinigay sa kanya isang bato at nagsasabi na ang pangalawang kapatid na ito ngayon ay may kapangyarihan na pabalikin ang mga namatay na. Ang ikatlong kapatid humihingi ng isang bagay na ma itago ang sarili  mula sa kamatayan. At ibinigay ni Kamatayan ay kanyang Invisibility Cloak.  Sinabi  ni  Xeno sa kanilang tatlo na kung sino mana ang mag mayarin ng tatlong bagay na ito, ang wand, ang mga bato, at ang balabal, Sinumang magtataglay ng lahat ng tatlong  ito ay isang ng master of death.

Sigurado ako na magugustuhan ito ng mga Harry Potter fans .


3 thoughts on “

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s