Bukaka

Nuong isang araw ko pa sana isusulat ang pangyayaring ito kaya lang sa sobrang dami ng mga ginagawa ay di ko lang maisingit. Naging parte na ng buhay natin ang sumakay ng dyip. Last  Thursday ko naisipan pumunta sa sss manila branch para mag submit ng mga documents na kulang ko since maaga din ang pasok ko inagahan ko na ang pag punta dun wala pang alas syete ay umalis na ko ng bahay. sumakay ako ng jeep patungo sa taft,  medyo puno na ang nasakyan ko sabi ng driver 2 pa daw sa kaliwa so isa lang naman ako kaya kasya pero mga bingi yata ang mga pasahero na nasa gawing kaliwa ni walang kumilos  para mag bigay ng pwesto at ang isang lalakng naka upo ng patagilid at nakabukaka pa ay di rin kumilos. Ayoko sana  magalit pero napilitan na din ako.. nag salita ako ng pagalit “ wala ba gustong mag paupo”? at saka lang sila kumilos at itong lalaking  nakatgilid na hindi ko mawari  kung bakit naka shade eh hindi naman tumatagos sa bubungan  ng dyip ang sinag ng araw. Hiniritan ko pa ng isa pang salita pag kaupo ko” ayaw ka agad gagalaw eh”  hindi ko alam kung naiirita din sa akin si mokong pero ang direksyon ko na ngayon nakatingin.  Pero malay ko ba kung saakin nga,  naka shade ang loko naiisip ko din na baka kaya naka shades dahil sa nasisilaw sa kintab ng sapatos nyang itim.

Marami na akong naexperioence sa pag sakay ng dyip madalas talga umiinit ang ulo ko sa mga pasaherong akal mo nakakuha ng utusan kung makapag abot ng bayad nila. Sa katamaran ng pasaherong ito sarap putulan ng kamay hehehe. Ako pag pagakyat ko pa lang sa dyip lalot ako pa alng ang pasahero ay inaabot ko na ang bayad sa driver ng hindi na ako makaabala. Minsan me pinagalitan ako pasahero dahil pag sakay at pag kaupong pagkaupo ka pa lang eh biglang inaabot ang bayad nya sa tonong kami lang ang nakakarinig feeling ko inuutasan agad ako ng pasaherong ito. Kaya nag init ang ulo ko  ang sabi ko “ hindi ako sumakay para maging utusan mo” hindi ko talga kinuha ang bayad nya sa hiya dun lumipat sa kabilang upuan ng dyip. Ewan ko ba kung bakit napakahirap para sa atin din ang salitang “paki” at “thank you”. Meron naman magbabayad hindi agad sasabihin kung saan baba tapos sasagot ang hina ng boses na sya lang ang pede ng makarinig pag nag tatanong ang driver.

Ang lalo ko pang ikinaiinis at talgang nakipag away ako sa dyip ay yung mga babaeng mahaba ang buhok tapos pag sakay ng dyip di man lang maayos at talagang ipapawagyway pa sahangin walang pakialam kung tumatama na sa katabi. Tanda ko pa nun  papsok ako papunta libis isang babae yung sinita ko sa buhok nya  aba nagalit pa sabi ko nga “kung ayaw mo masita gupitin mo buhok mo. Haba nga ng buhok mo para naman mga patay” napangiti yung kaharap ko. Maging sensitive sana tayo sa mga katabi natin. Baka mamaya eh ilaglag na lang tayo nyan sa dyip. Tanong lang bakit nga ba madalas  sa mga kalalakihan ang bukaka kung umupo sa dyip naiipit ba?

2 thoughts on “Bukaka

  1. hi. aliw na aliw naman ako dito. para kang yung nanay ko. bwisit na bwisit din yun sa mga ganyang klase ng tao. haha. natatandaan ko, may kinwento sya tungkol sa katabi nyang nagliliparan na sa mukha nya yung buhok. hinila daw nya talaga yung buhok nung babae, tapos nung lumingon sa kanya, sinamaan nya ng tingin tapos kunwari daw nag-aayos din lang sya ng buhok. maldita noh? haha.

    napadaan lang at napakwento. magandang araw empr3ss.😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s