Ang Paglipad

Nuong kabataan ko isa  ang sarangola sa mga libangan namin madalas kaming mag pipinsan sa bubungan para mag palipad nito.  Gamit  ay papel de hapon o kaya’y  lumang dyaryo at kadalasan ang gamit na sinulid ay nilalagyan ng bubog para proteksyon sa mga saranggola din na kasabay na lumilipad.  Kung hindi ka marunong gumawa ng saranggola sa isang  simpleng  boka boka ka mauuwi. May simple at katamtaman laki ang saranggola at may malaki din naman na tinatawag na guryon.  Madalas na may paligsahan sa pag papalipad ng saranggola hindi sa kung sino ang maganda kundi sa kung sino ang matibay ang  gamit na sinulid.  Ngayon,  bihira mo na makikita na may nag papalipad ng saranggola maliban sa mga probinsya . Sa parte ng Bulacan may makukulay at gawa sa  iba’t  ibang hugis ang gawang saranggola. Hindi ko lang alam kung may bumibili pa nito.  Ngunit walang ganda ang saranggola kung hindi mo ito papaliparin at  makikitang nakikipag sayaw sa hangin sa itaas.

Ang tao  nuong kabataan nya,  parang boka boka yan na ginawa sa  isang papel at may tali sa mag kabilang dulo. Hindi mo pedeng isabak sa malakas na hangin at baka masira.Hindi nga ba takot ang mga magulang natin  kapag nawawala  tayo  sa paningin nila at di nila tayo  mapabayaan  nung tayo’y musmos pa lamang? Saan man  tayo magpunta ay  lagi silang nakabantay at nakamasid ni ayaw nilang malayo tayo sa kanilang paningin.  Takot  silang tayo ay madapa at magalusan o kaya tayo ay mapariwara kung wala ang kanilang gabay. Kung ikukumpara sa boka boka ayaw ng nag papalipad na umalagwa tayo.  Ang  saranggola at tao ay mag katulad sa pag lipad, napaka taas,  napaka tayog  parang ayaw ng bumaba at  kung pwede ay abutin na ang langit  kapag andun na sa itaaas.  Kahit sa salungat na  pamamaraan ay gagawin natin maabot lang ang panagarap ng ating buhay.  Kadalasan marami tayo nasa itaas, labas ang kayabangan natin kapag tayo ang pinaka magaling o marami ang sa ati’y nakatingin.  Lagi tayo nakikipag sabayan sa mga nasa itaas, nakikiayon tayo sa takbo ng buhay. Ang sarangola, kapag hindi matibay ang tali o hindi bihasa ang nagpapalipad bumabagsak ito.  Ganun din ang tao madalas dahil sa tayog ng ating lipad nalulula nauuwi lang sa pabulusok na pag kabagsak.  Kapag  ang saranggola ay na entang o bumagsak marami ang nag uunahan  patungo sa lugar ng kababagsakan nito madami ang nag nanais na makuha ito  . Dito  naman nag kaiba ang tao at saranggola; ang saranggola kapag bumagsak marami ang nag hahangad na makuha , kung  buo pa swerte kung hindi naman din a papansin.  Ang tao kapag bumagsak pamilya at mga kaibigan ang  nag uunahan na sumalo.  At kahit nawasak  ang buhay mo o napariwara ka hinid ito parang isang bagay na pababayaan na lang. Mag kukusang babangon sa pag kakabagasak ang tao at sa pag bangon nya  ay may sapat na lakas sya upang unti unti makalipad. Ang saranggola kapag din napag sawaan ng tao na paliparin ito ay wala ng buahy. Samantalang an gating pamilya at kaibigan lalo na ang dakilang Dyos ay walang sawa nag mamahal sa atin gaano man kataas ang kinabagsakan natin.

Tulad ko marami beses akong lumipad paitaas at marami ring beses akong bumulusok  paibaba pero laging nakaagapay  para saluhin ako ng aking mga kaibigan lalo na ng pamilya ko.  Hindi ko nararamdaman ang sakit na aking tinatamo sapagkat  lagi silang nasa tabi ko.Kahit may hangganan lang ang pag lipad ko, naging masaya naman para sa akin sapagkat ang bawat sandali duon sa itaas ay nagawa  ko maging  makabuluhan. Anu man ang alaala ibinigay sa akin dulot ng aking paglipad masaya man ito  o malungkot ay  buong puso ko tinatanggap.  Dahil ito rin ang magsisilbing panangga ko sa susunod na paglipad. Masarap mag palipad ng sarangola kapag dalawa o marami kayo. Marami ang hahawak sa tali. Ngunit sa buhay ng tao masarp paliparin ito kung kasama mo ang Panginoon.   Mas  lalakas ang loob  lumipad kahit hanggang  saan, dahil sa may tiwala ka sa  kasama mo dahil alam mo hindi ka nya hahayaang bumagsak kahit na salungat ang hangin dahil sya ang magtuturo sa atin ng paraan upang lumban sa salungat na hangin .

Ang saranggola ay hindi lang umaayon sa hangin para lumipad kadalasan ito’y sumasalungat para makarating sa taas. Ngunit ang Tao hindi kailangan sumalungat sa hangin upang marating ang tagumpay.

One thought on “Ang Paglipad

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s