My Teacher, My Hero

Napag alaman ko sa mga pamangkin ko na hindi na pala simpleng Teacher’s Day meron ang mga guro kundi  isnag buwan na pagkilala sa natatangi nilang propesyon.  nag pagawa ng slogan at Tula ang pamangkin ko nag aaral sa public school. ang theme ngayon taon ay “my teacher , my hero”  hindi ako ganun kagaling gumawa ng tula pero naiisipan ko din sumulat bilang pasasalamat din sa mga naging guro ko nuong ako’y nag aara at para sa lahat ng mga guro.

Likas sa tao ang pag hanga
sa mga bagay na maganda,
sa tao’ng may kakaibang  ginawa
O di kaya’y sa lakas na ipinakita.

Ang iba sa atin ay  may hero na gusto
Kahit ito’y di naman  totoo
Si Batman, Si Superman
Sa mga kwento,
Sila ang bida kailanman .

Sa totoong buhay iba ang ating hero
Kahit walang  kapangyarihan hanga tayo
Si nanay at tatay minsan sa ati’y  hero
Sa pag aalaga nila sa  atin  hanga tayo.

Sino pa ba  ang  pede maging hero?
Isang  tao ang tamang tama dito.
Hindi sya lumilipad na singbilis ng eroplano
Sino sya?  Sya ang ating Guro.

Kaalaman natin sya ang nag turo
Duktor,abogado pati inhinyero
Sa kanila natuto,
kahit kulang ang libro
o maliit man ang  sweldo
walang pagod magturo.

Ang aking Guro ay kasing galing ni Nero
Ang  dapat tanghalin na Hero.

Para sa lahat ng Teacher sa buong mundo lalo na ang mga Pilipinong Guro..
Maraming salamat sa mga sakripisyo at pag tuturo.

About these ads

33 thoughts on “My Teacher, My Hero

  1. salamat kabayan isa kang tunay na pilipino na kumikilala sa ating mga guro tama ka sila ay isang bayani tulad ni dr jose rizal na isa ring guro.

    — salamata sa pag basa mo ng aking tula.. sila ang mga napapabayaang bayani ng ating bansa…

  2. kung sino naman ang gumawa nito maraming salamat po sayo napakagaling mo po kac eto po ang nilaban ko sa poem writing contest 1st place po ako .Para sayo po ang pagkapanalo ko tnx po :D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s