Hanggang kailan kita mahal?

Dalawang Linggo na ngayon ang nakalipas ng mag hiwaly kami ng mahal ko. Marami na rin ang nag bago sa kin simula ng pag hihiwalay, nabalot ng lungkot ang unang linggo ko sapagkat hindi ko mailabas lahat ng nararamdaman ko. Personally wala akong nakausap agad sa mga kaibigan ko na patuloy na nag mamahal sa akin. Basta ang sabi nila sa akin sa txt “Kaya Mo Yan” ang iba ang sabi “hindi sya kawalan, pag sisihan nya ng iniwan ka nya”. Halos lahat ng kaibigan ko ay nagalit sa kanya. Pero ako hindi ko magawang magalit kahit alam ko kagaguhan na. Nuong sunday nakatulong ang Homily na napakinggan ko. ito yung tungkol sa mission ng bawat isa sa atin. Na realize ko na halos 2 taon ko na palang pinatay ang sarili ko dahil sa pag mamahal ko sa kanya. Pinatay ko ang sarili kong kaligayahan para ibigay sa kanya. Halos isinakripisyo ko ang lahat para sa kanya. Ang pag hihiwalay namin ang syang naging dahilan upang mabuhay akong muli ipina alalang muli sa akin ng Panginoon na hindi lang sa kanya dapat ako mabuhay, hindi lang siya ang taong nag bibigay sa akin ng saya at  hindi ko na din napansin ang aking pamilya dahil minsan iniisip ko pa sya kesa sa kanila, pinalo akong muli ng Panginoon upang ipaalala sa akin na ang pamilya ko ang higit na makapag bibigay sa akin ng saya at pagmamahal yung tinatawag na unconditional Love. Kasi nga naman tayo minsan pinaiiral ang katigasan ng ulo, kahit mali pilit pa rin nating ginagawa ang kamalian kaya dumadating sa bandang huli tayo ang iiyak.
Sa misang ‘yon parang nawala ang sakit na nararamdaman ko, gumaan ang loob ko pag labas ng simbahan. Isa na lang ang kailangan ko gawin ang ikumpisal ang pangyayring ito at ihingi ng tawad.
Natanggap ko na sa sarili ko na hindi na ako ang mahal nya pero patuloy ko pa din syang mamahalin  ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan, pero nanatiling sya lang ang mahal ko sa ngayon.  At kahit nag kamali ako walang hanggang ang pag mamahal sa akin ng Panginoon…at muli ko itong ibabalik para sa aking kapatawaran.
Hanggang kailan kita mahal ? habang ang pilat na dulot mo sa’ puso ko ay di nawawala..  Salamat at nakilala kita, sa pagbibigay kulay mo sa aking buhay salamat sa mga sakit na naramdaman ko.at sa lahat ng natutunan ko sa’yo. alam ko sa puso mo minahal mo din ako.

2 thoughts on “Hanggang kailan kita mahal?

  1. may kasabihan tayo…”It is better to love and failed than not to love at all”… perfect di b…nag mahal kaya kaya sapat na yun… nasaktan ka kaya ikaw ay isang tao…dami pa dyan na magmamahal sa u.mwah

  2. im so happy for you mom! i knew you can do it..! you are a strong person.. mana ata kami sayo..!hehehe..!! loveyou..!! missyou…

    => miss you too, sana wag nyo manahin katangahan ko huhuhu, yes i know kaya ko to!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s