Hanggang Saan

Isang linggo na ang lumipas ng matapos ang halos 2 taong pag sasama at pag sasakripisyo sa taong minahal ko. Masakit pa kung aalalahanin ko ang lahat. Nakakapagod din pala ang umiyak at ang umiyak ng wala ka namang  mailuha.
Hindi man naging pormal ang pag hihiwalay namin ng mahal ko pero sapat na sa akin ang malaman ko na may mahal na syang iba dahi mahal ko ibinigay ko ang  hiningi nyang kalayaan. Masakit sa akin na sabihin nyang  “ipinag lalaban mo ako mahal, pero hindi na kita kayang ipag laban dahil may mahal na akong  iba”.  Hindi ko na iisipin pa ang mga pag hihirap at sakripisyo nagawa ko ng dahil sa kanya dahil siguro ganun talaga na pag mahal mo ang isang tao magagawa mo ang mga bagay na hindi mo dapat ginawa. Sa ngayon may may oras na naiiyak ako at halos gabi gabi ay nagigising akong sya ang naiisip ko. Mabigat sa dibdib pero dapat ko ng tanggapin ang nangyari. Dapat ko na din maiintindihan na me dahilan ang lahat ng ito. Bakit nga ba maraming Tao ang nagiging Tanga sa pag ibig. Malaking katanungan para sa akin ngayon kung bakit lagi akong iniiwan ng mga taong pinag uukulan ko ng panahon at pag mamahal. Hanggan saan ang pag hihirap na ito at hanggang kailan ako mag hahanap ng taong mamahalin ako kung anu man ang meron ako at tatanggap sa pag mamahal na kaya kong ibigay. Sa ngayon nasa acceptance stage ako at yun lang ang kailangan, minsan akala mo kayo na talaga forever pero hindi pa pala kase may makikilala pa.. ako or sya na higit pa…. May mga dahilan daw kung bakit tayo sinsaktan at pinaiiyak ng taong mahal natin, ito ay bahagi lang ng ating dapat matutunan.

….Ang pag ibig ay nag iiwan ng alaalang hindi kailanman mananakaw… pero madalas nag iiwan ng pilat sa puso nanag bibigay ng alaala ng ating pinag daanan.

4 thoughts on “Hanggang Saan

  1. Sana ay malampasan mo yan dude…. ok lang na umiyak na umiyak pero hindi habam buhay….there is a time to move on and enjoy life… am sure u learne a lot from it.. your next relationship will be ok. anyway its his loss…god Bless…

    Maraming salamat.. God Bless too!!

  2. ahhh hindi dapat ako magkomento sa ganitong mga usapin pero..pinagpalit ka sa ibang babae at ganun mo kadali natanggap? at gusto mo pa din sya? malabo yan.

    ang maipapayo ko lang siguro eh magalit ka sa kanya at ipakita sa kanyang hindi sya kawalan. kaya mo yan!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s