the captain of my soul

Last night I watched this movie about Nelson Mandela’s first term as a President of South Africa, to end apartheid. It also tells the inspiring true story of how He joined forces with the captain of South Africa’s rugby team to help unite their country. I just want to share this poem which is also the title of the movie because the last two lines of the poem made me realized that whatever happens to us we are the master of our fate and the captain of our soul.

William Ernest Henley

Advertisements

Ash Wednesday Feb 17 2010

“Dust thou art, and to dust thou wilt return.”

 Ash Wednesday the beginning of Lent it reminds us that we are mortal. Lent is a time when the whole Christians prepare for Easter by observing a period of fasting and repentance.

Manny Villar

… si Manny Villar ang sasagot sa ating kahirapan?

Tama na muna ang drama, ibahin natin ang topic ditto sa aking blog. Panahon na ng pangangampanya at nalalapit na ang eleksyon. May mga napili na ba kayong kandidato?

Itong si Manny Villar eh hindi ko ginawan ng post dito sa aking blog para ikampanya,
Gusto ko syang pasalamatan  dahil sa medical assistance na kanyang ibinigay (wag nyo na po itanong kung mag kano pede na pamasahe ng 4 na session ng chemo.) para sa aking Tyahin na nag chemo para sa kanyang stage 3 breast cancer.

Nakakakalungkot lang isipin na itinaon talaga nila sa panahon ng kampanya ibinigay ang assistance na ito. Nobyembre pa po kami nag bigay ng sulat para sa opisina ng butihing Senator.

Nakakatuwa talaga ang mga political advertisement ng mamang ito. Ngayon ko lang napag isipan na sa laki ng kanilang yaman ganito lang ang na i share nya? Mabuti pa ang isang Congressman sa aming distrito nakabili kami ng gamut sa ibinigay na medical assistance. Ang punto ko lang mag bibigay naman pala ng tulong talagang timing sa panahon ng kampanya. Hay naku nga naman … Parang mga eksena sa pelikula.

Hanggang kailan kita mahal?

Dalawang Linggo na ngayon ang nakalipas ng mag hiwaly kami ng mahal ko. Marami na rin ang nag bago sa kin simula ng pag hihiwalay, nabalot ng lungkot ang unang linggo ko sapagkat hindi ko mailabas lahat ng nararamdaman ko. Personally wala akong nakausap agad sa mga kaibigan ko na patuloy na nag mamahal sa akin. Basta ang sabi nila sa akin sa txt “Kaya Mo Yan” ang iba ang sabi “hindi sya kawalan, pag sisihan nya ng iniwan ka nya”. Halos lahat ng kaibigan ko ay nagalit sa kanya. Pero ako hindi ko magawang magalit kahit alam ko kagaguhan na. Nuong sunday nakatulong ang Homily na napakinggan ko. ito yung tungkol sa mission ng bawat isa sa atin. Na realize ko na halos 2 taon ko na palang pinatay ang sarili ko dahil sa pag mamahal ko sa kanya. Pinatay ko ang sarili kong kaligayahan para ibigay sa kanya. Halos isinakripisyo ko ang lahat para sa kanya. Ang pag hihiwalay namin ang syang naging dahilan upang mabuhay akong muli ipina alalang muli sa akin ng Panginoon na hindi lang sa kanya dapat ako mabuhay, hindi lang siya ang taong nag bibigay sa akin ng saya at  hindi ko na din napansin ang aking pamilya dahil minsan iniisip ko pa sya kesa sa kanila, pinalo akong muli ng Panginoon upang ipaalala sa akin na ang pamilya ko ang higit na makapag bibigay sa akin ng saya at pagmamahal yung tinatawag na unconditional Love. Kasi nga naman tayo minsan pinaiiral ang katigasan ng ulo, kahit mali pilit pa rin nating ginagawa ang kamalian kaya dumadating sa bandang huli tayo ang iiyak.
Sa misang ‘yon parang nawala ang sakit na nararamdaman ko, gumaan ang loob ko pag labas ng simbahan. Isa na lang ang kailangan ko gawin ang ikumpisal ang pangyayring ito at ihingi ng tawad.
Natanggap ko na sa sarili ko na hindi na ako ang mahal nya pero patuloy ko pa din syang mamahalin  ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan, pero nanatiling sya lang ang mahal ko sa ngayon.  At kahit nag kamali ako walang hanggang ang pag mamahal sa akin ng Panginoon…at muli ko itong ibabalik para sa aking kapatawaran.
Hanggang kailan kita mahal ? habang ang pilat na dulot mo sa’ puso ko ay di nawawala..  Salamat at nakilala kita, sa pagbibigay kulay mo sa aking buhay salamat sa mga sakit na naramdaman ko.at sa lahat ng natutunan ko sa’yo. alam ko sa puso mo minahal mo din ako.

Hangang may pag-ibig….

Hindi ko alam kung nakapag move on ka na…  Hangang alam kong  nariyan ka pa hindi mawawala ang pag mamahal ko sa’yo. Kahit maghilom ang sugat na dulot mo sa Puso ko, kahit ako’y iyong nilisan, di ko pa din magawang lumayo sa’yong piling. Paulit ulit ko man kantahin ang himig na ito  gagawin ko upang malaman mo kung gano kita kamahal

Para  sayo…OJS

Hanggang Saan

Isang linggo na ang lumipas ng matapos ang halos 2 taong pag sasama at pag sasakripisyo sa taong minahal ko. Masakit pa kung aalalahanin ko ang lahat. Nakakapagod din pala ang umiyak at ang umiyak ng wala ka namang  mailuha.
Hindi man naging pormal ang pag hihiwalay namin ng mahal ko pero sapat na sa akin ang malaman ko na may mahal na syang iba dahi mahal ko ibinigay ko ang  hiningi nyang kalayaan. Masakit sa akin na sabihin nyang  “ipinag lalaban mo ako mahal, pero hindi na kita kayang ipag laban dahil may mahal na akong  iba”.  Hindi ko na iisipin pa ang mga pag hihirap at sakripisyo nagawa ko ng dahil sa kanya dahil siguro ganun talaga na pag mahal mo ang isang tao magagawa mo ang mga bagay na hindi mo dapat ginawa. Sa ngayon may may oras na naiiyak ako at halos gabi gabi ay nagigising akong sya ang naiisip ko. Mabigat sa dibdib pero dapat ko ng tanggapin ang nangyari. Dapat ko na din maiintindihan na me dahilan ang lahat ng ito. Bakit nga ba maraming Tao ang nagiging Tanga sa pag ibig. Malaking katanungan para sa akin ngayon kung bakit lagi akong iniiwan ng mga taong pinag uukulan ko ng panahon at pag mamahal. Hanggan saan ang pag hihirap na ito at hanggang kailan ako mag hahanap ng taong mamahalin ako kung anu man ang meron ako at tatanggap sa pag mamahal na kaya kong ibigay. Sa ngayon nasa acceptance stage ako at yun lang ang kailangan, minsan akala mo kayo na talaga forever pero hindi pa pala kase may makikilala pa.. ako or sya na higit pa…. May mga dahilan daw kung bakit tayo sinsaktan at pinaiiyak ng taong mahal natin, ito ay bahagi lang ng ating dapat matutunan.

….Ang pag ibig ay nag iiwan ng alaalang hindi kailanman mananakaw… pero madalas nag iiwan ng pilat sa puso nanag bibigay ng alaala ng ating pinag daanan.