Araw ng Watawat

Sa Mayo 28 ay araw na itinakda upang gunitain ang Araw ng Watawat. Ito ay bahagi na rin ng paghahanda ng ating bansa para sa pag gunita ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 2009. Ayon sa Republic Act 8491, idineklara ang ika-28 ng Mayo at Hunyo 30 bilang National Flag Days o ang Paggalang sa Watawat.

250px-Philippineflag

Sa ating makabagong henerasyon kaya ngayon ay may katuturan pa rin kaya ang pag gunita sa Mahalagang Araw na ito? Interesado pa kaya silang malaman ang tunay na pinag mulan ng ating Watawat at ang mga kahulgan ng mga sumisimbolo ditto?

Ang watawat ay gawa sa dalawang stripes- ang bahaging itaas ay kulay pula at asul naman ang nasa ibaba. Nakapaloob sa puting tatsulok sa isang parisukat na tela ay ang larawan ng araw, na sumisimbolo ng kalayaan at ang unang walong probinsya na nakipaglaban sa Espanya.
Ang tatlong mga bituin, na nasa magkabilang sulok ay simbolo ng tatlong malalaking isla, ang Luzon, Visayas at Mindanao.
Ang watawat ng Pilipinas ay may kakaibang kahulugan kompara sa ibang mga watawat sa mundo. Kapag ito ay nakasabit nang pabaliktad, ito umano ay nangangahulugang pagdeklara ng digmaan laban sa estado. Ito ay base narin sa simbolo ng kulay asul at dilaw ng watawat. Matatandaan, na ang kulay pula ay sumasalamin ng pagiging matapang at ang asul naman ay ang pagiging dakila.

Mga Ipinagbabawal na paggamit sa Watawat
• Ang pagbababa sa watawat sa pagbibigay ng papuri o parangal sa isang tao o bagay.
• Ang paggamit sa watawat bilang kurtina, palamuti, mantel, panakip sa dingding, istatwa at iba pang bagay; bilang banderitas sa tabi, likod, o taas ng anu mang motor na sasakyan; bilang tatak o marka; at paggamit nito sa industriyal, komersyal at agrikultural na disenyo o tatak.
• Ang paglalagay ng watawat sa ilalim ng anumang pintura o larawan, o sa mga sayawan, sabungan, club, casino at ibang lugar ng pasugalan.
• Ang pagsusuot sa watawat, buo man o parte lamang bilang damit o uniporme.
• Ang paglalagay ng anumang salita, pigura, marka, larawan, disenyo, dibuho o anunsyo sa watawat.
• Ang paggawa at paglalagay ng representasyon ng watawat sa panyo, kutson at iba pang uri ng paninda.
• Ang paglagay ng watawat sa harap ng gusali kung saan namamalagi ang mga hindi Filipino. (sangunian: wikipilipinas)

Taas noo nating ipag diwang ang araw ng Ating Watawat . Ang bawat wagayway nito ay simasagisag sa ating pagging malayang bansa. Mabuhay ka Pilipino!

Advertisements

Kris Allen – American Idol Winner Season 8

kris-allen-idol-finalistItinanghal ng bagong American Idol Season 8 si Kris Allen. Naging runner-up lang si Adam Lambert na paboritong manalo at paborito rin ng mga judges.

Si Kris Allen ay 23-anyos students mula sa Arkansas habang si Adam Lambert naman ay 27-anyos na Theatre Actor mula sa San Diego, California.adam-lambert-and-kris-allen

Si Kris ang nag tala ng pinakamataas na boto matapos ang showdown nila ni Adam. Pinaka mataas din na boto ang naitala ngayong season na ito.
Ang Black Eyed Peas,Cyndi Lauper, Carlos Santana at Rod Stewart ay ang mga nag perform sa AI finals.

Nag perform kasama ng Kiss si Adam samantalang si Kris ay kay Keith Urban nakipag duet.

congrats Kris !

Spell Affordable,Instant and Remittance

Napanuod nyo na ba ang TVC ads ng LBC? Akala ko nuong una kong mapanuod ito eh wala lang pero kagabi habang nanuod ng TV kami ng mga friends ko ipinalabas ang TVC na ito at mag react ang isang nanay na friend ko, Bad daw yung commercial. Tama naman mis leading diba? Bakit kaya na approve ang TV commercial na ito? Ganito na ba mag isip ang mga taga gawa ng TV commercial? Sana ipatigil ang Commercial na ito hindi ito nakakatuwa. Hindi kaya ganito din kababaw o sabihin na nating kabobo ang gumawa at nag approved ng TV commercial na ito? Talaga bang wala na kayong maisip na matino. Parang gusto nyong ipag sigawan sa buong bansa na ganito na kababaw ang ating edukasyon. Hindi po ito nakakatuwa.

Spell Affordable…. Wala sigurong budget ang LBC Company na ito.

Spell Instant.. ayan me commercial lang instant ang pagawa at instant din ang pag aaproved magkano kaya ang budget dito ma approve lang sa Board.

Spell Remittance… madali daw spellingin at ang sarap sumpakin ni Edu at nag pagamit sya sa walang kwentang TV commercial na ito.

Sa AD Board sana naman matinong commercial ang ipalabas nyo at aprubahan. I’m sure iba sa inyo me mga anak sa grade school sana hindi kayo tinatanung kung bakit ganun ang pag kaka spell ng mga nasabing words.