Mayo Uno

Ang tinaguriang araw ng manggagawa. Sari saring pag-hahanda sa ang ginagawa sa pag gunita sa araw na ito. Ngunit Kadalasan ay ang pag sigaw sa kalsada nahahantong ang mga Uring Manggagawa. May kung ilang taon na din naman ang nakalipas kung saan na buksan ang aking kamalayan sa estado ng uring manggagawa, patuloy na pinahihirapan ng mga nag haharing uri; ang mga Imperyalistang Bansa.
Alam naman nating lahat na iisa ang ugat ng mga ito, ang paglala ng Krisis sa mga Imperyalistang Bansa. Ang kapitalistang Krisis ng sobrang produksyon at ang lumiliit na pamilihan dahil sa mabilis na pag unlad ng teknolohiya. Patunay sa krisis na ito ang di makaahon-ahon na ekonomiya ng ating bansa, lalo na ang mga imperyalistang bansa na patuloy sa pag liit ng kanilang ekonomiya. Ang mga resulta ng krisis na ito ay ang kawalan ng trabaho at kabawasan ng kita sa hanay nating manggagawa. Hndi lamang dito sa atin pati na rin sa mga industriyalisadong bansa.

Sa pag pasok ng taon ginulantang tayo ng mga balitang pag sasara ng mga pabrika at kawalan ng mga trabaho pati na ang mga OFW. Masasabi ko na walang saysay ang mga sinasabing growth ng kasalukuyang pamahalaan kung marami naman nawalan ng trabaho sa atin. Mapapansin din na hindi mataas taasan ang kita ng manggagawa.
Sa mga krisis na ito tayo ang pangunahing biktima ang magsasaka ang mga OFW at manggagawang Pilipino dahil tayo ang bumubuo ng malaking bilang ng mamayan. Sa hanay ng manggagawa matindi ang atake sa sahod, trabaho at karapatan. Dahil na rin sa pandaigdigan kumpetisyon patuloy pa din ang systemang kaswalisasyon, labor-only contracting, piece rate at iba pa flexible labor arrangements na nag reresulta ng mas mababang sahod at benepisyo at higit sa lahat ang kawalan ng seguridad sa trabaho. Isama na din dito ang unti unting pagkamatay ng UNYON at ang sama samang pag tatanggol sa kanilang pang ekonomiya at pulitikal na interes.

Ipag patuloy natin ang laban sa krisis na ito dulot ng mga nag haharing uri.

Mabuhay ang uring Manggagawa.

2 thoughts on “Mayo Uno

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s