Vertigo

Two Sundays ago ko lang naranasan ang pagkahilo. Akala ko nung una dahil sa biglaang pagbangon lang sa pagkakahiga  kaya ako nakaramdam ng hilo. Pero every morning ganun na ang nararamdaman ko.  Nawawala din naman kapag ako ay nakahiga.  Nag worry na ako dahil sa matinding hilong naramdaman ko habang ako ay papuntang opisina.  Hindi naman sumasakit ang ulo ko at ‘di rin naman ako nakakaramdam ng pagkasuka ngunit bakit ako nahihilo?  inisip ko baka sa astigmatism ko pero hindi ito tulad ng mga sintomas na aking nararanasan kapag inaatake ako ng astigmatism.

Nag pacheck up ako sa Doctor, only to find out na ako “daw” ay may VERTIGO. Simpleng test ang ginawa ng Doctor, tulad nang kung pantay ang aking pakiramdam or yung senses ko. After ilang days bumalik ako, ni refer ako sa Ophthalmologist para malaman kung me kuneksyon ang astigmatism ko sa pagkahilo pero wala tama naman ang salamin ko.  Dahil nga sa Vertigo kaya feeling ko umiikot ako. Ang tanging nasabi lang sakin ng Doktor ay “WELCOME TO THE CLUB”..

Ang sabi ng Doctor makakatulong ang pageehersisyo. kaya naman ako’y nag research ng mga kaaalaman sa sakit na ito at ang mga makakatulong na ehersisyo tulad ng mga sumusunod;

Brandt-Daroff Exercises

The Epley and Semont Maneuvers

source:http://www.dizziness-and-balance.com/disorders/bppv/bppv.html

basahin nyo ito:

Ang pagkahilo ay isa sa madalas na nararamdaman ng tao. Ang vertigo ay pagkahilo na ang pakiramdam ay umiikot ang mundo o ang katawan. Hindi dumidilim ang paningin at hindi rin hinihimatay. Ang ating pakiramdam ng posisyon at pagkilos ay dahil sa ating “vestibular system” na ang pinakahuling organ ay makikita sa pinakaloob ng tenga. Itong vertigo ay mayroong kasamang “nystagmus,” mga biglang pagkilos ng mata patungo sa kabila ng nasirang vestibular system. Kapag nakatayo at inaatake ng vertigo, ang pasyente ay natutumba sa kanan kapag ang problema ay nasa kanang tenga o sa kaliwa kapag ang problema ay nasa kaliwa. Kapag ang vertigo ay may kasamang tinnitus (naririnig na tunog ng kalembang) o kapag nababawasan ng panginig (nabibingi), ito ay tinatawag na Meniere’s disease.

Ang malimit na uri ng vertigo ay ang Benign Paroxysmal Positional Vertigo (BPPV). Ito ay nangyayari sa mga mayroong edad na. Maaaring mayroong history ng hampas sa ulo ngunit ang karamihan ay walang dahilan kung bakit nagkaroon ng vertigo. Itong uri ng vertigo ay banayad lamang at kusang nawawala matapos ang ilang linggo o ilang buwan. Dito sa BPPV, ang vertigo ay nangyayari 3-40 segundo matapos na maiposisyon ang ulo sa kanan o kaliwa habang nakahiga. Ang mga symptoma ay kusang nawawala habang nakaposisyon pa ang ulo. Sa mga unang araw, ang vertigo ay matindi ngunit ito ay pumapanaw at nawawala na dahil sa paulit-ulit na posisyon ng ulo.

Dapat ay magkunsulta sa isang doktor (otolaryngologist o ENT) upang malaman talaga kung ang problema ay isang BPPV o kung mayroong iba pang sakit na nagdulot ng vertigo. Mayroong mga “vestibular function tests” gaya ng paglagay ng malamig o mainit na tubo o hangin sa tenga at tingnan kung anong klase ng symptoma ang lalabas. Malalaman din kung sa kanan kaliwang tenga ang problema at kung dito lamang ang problema o kaya ay nasa loob ng ulo ang problema. Dito ay kailangang ma-magnetic resonance imaging ang ulo upang malaman kung ano at saan ang problema.

Ang payo sa mga nagkakaroon ng vertigo ay magpahinga muna sa kama at uminom ng mga gamot (Serc, Valium, atbp.). Kapag hindi nawala ang mga symptoma matapos ang ilang araw, ang pasyente ay pinipilit na tumayo at maglakad maski na mahirap upang mapunan o mapalitan ng katawan ang gawain ng nasirang vestibular system. Sa BPPV, mayroong mga exercise gaya ng Epley procedure upang mawala ang vertigo. Kapag mayroong Meniere’s disease, maaaring magbigay ng mga pampaihi (diuretics) at bawasan ang maalat sa pagkain. Kapag ang sakit ay nasa utak, maaaring kailanganin ang operasyon.

http://www.abante-tonite.com/issue/march1106/public_dok.htm

Advertisements

33 thoughts on “Vertigo

  1. Ako din po since 2015 ng una akong sumpungin ng vertigo at talaga namang tuwing susumpungin ako naiiyak nalang ako pero tinatatagan ko para sa asawa ko at family ko..tiwala lang tayo kay God gagaling din tayo

    Like

  2. Bakit mahirapan ako sa paghinga, di naman masakit yung puso ko.
    (Marami lang iniisip)
    At kapag nag gygym ako malakas ang kaba ng dibdib ko mahirap huminga.Ano po ba to?

    Like

    • sana nakapag pa check up ka na para mas nalaman mo ang tunay na dahilan ng iyong nararamdaman.
      EENT ang dapat mong puntahan.

      Like

  3. Yung mr ko sabi may vertigo cya tas makalipas nang ilang araw gnun padin nahihilo.nag ENT kmi yun may gamot cyang resita at unti unti nman naging ok.piro ngaun minsan nahihilo at masakit ulo niya pag may araw.kc last day mag hapon umulan ok nman cya tas dumunod na araw umulan tas biglang init nakaramdam na agad cya nang sakit sa ulo at nahihilo?ano kaya to.dami ko na dinaanan na doctor?sa mata,sa vertigo at kung ano ano pa.

    Like

  4. Year 2006 laging masakit ang ulo ko inadvice ako ng compny doctor nmin mg pa check up ako sa sinus so sinipsip ung ilong ko pra mkuha angbulok n sipon after 1 week nkaramdam ako umugong ang tenhga ko at 4am bumangon ako at karamdan ng pag ihi pumunta ako sa cr pag upo ko bowl nkaramdam ako ng matinding pagka hilo hindi ako mkatau dahil matutumba ako inalalayan ako at iniupo sa bngko 2day ako di mkatau ngpahatid ako sa hospital atdon ko ntuklasan n my vertigo ako inijectionan ako ng pngpakalma nwala ndko na nramdaman ulit kya ng abroad ako aftr 4yrs n pagstay ko dto umulit ung ganon april1 2014 nramdaman ko ulit .woried ako ngaun kya plano ko n umuwi at mgpaopera sa sinus.

    Like

    • .. maam kay at po ba kayo nagvertigo dhil sa sinus nyo..?? Tanong ko lang maam kapag pinipisil nyo po ba ung ulo nyomasakit prang may hangin???salamat po..

      Like

    • Doc ilang araw na po akong nahihilo at mahapdi ren po ang aking mata . Pag nakahiga po ako may posisyon po na bgla nalang po akong nhihilo yung paningin ko po gumigiwang kaya po pag humihiga mataas po ang aking unan dun po kce ngging kumportable ang pkiramdam ko . Doc nais ko pong malaman kung ano po ang sintomas ng pagkahilo ko at tsaka pano po ko makakaiwas sa madlas na pagkahlo . Salamat

      Like

  5. hai nahihirapan na nga ako sa nararamdaman ko. lagi na nga akong ngpapatingin sa dr. pero wala parin,, cguro nga vertigo na din itong sakit ko.. dahil sa mga nabasa ko i confirmed na vertigo nga ito..

    Like

  6. dti po bihira ko lang maramdaman yung hilo ko ngaun po mas madalas na madalas po na mahilo ako pag gising at pg nagddrive ako nang motor at sa gabi sumasandal na lang po ako sa pader kpag nararamdaman ko po na nhihilo nko

    Like

  7. Ganyan din ang nararamdaman ko so sigurado na vertigo nga ang sakit ko. tanx sa mga comment nyo. nabunutan talaga ako ng problema. akala ko kung ano na ang mga nararamdaman ko. May lunas paba eto or wala na talaga?

    Like

  8. base sa mga nabasa ko sa inyo at experienced nyo mahirap tlaga ganyan din ang nararamdaman ko:( sad to say mahirap tlaga…cguro nakuha ko un sa akin super stress..mahilig ako sa chips at black cola un sabi ng doctor…iwasan muna ang ganun fud……..at one time humataw din ang ulo ko as in malakas tlga. isa rin un sa dahilan..pero sabi ng doc basta rest lang gagaling ang vertigo……

    Like

    • Ako mula nagsimula na high blood nagumpisana my narinig ako sa tenga ko na parang kulig lig at lagi na ako nahilo hanggang ngaun 3buwan na pero diko na inisip kz na stress ako. Kya nilagay ko sa isip ko na normal nalang ito para sakin.

      Like

      • sundin mo lang ang sinabi sayo ng Doctor mo kung nagpa check-up ka na .wala naman ako iba pang ginawa maliban sa pag inom ng gamot na nireseta ni Doc. .. at nag change ako ng lifestyle bawas yung mga salty foods and nilimitahan ko ang mag puya.

        Like

  9. hndi pko nagpatingin sa doctor 2ngkol d2. pero sa mga nabasa ko about vertigo i confirmed n mron ako nito. kc yung spinning narramdamn ko plagi. yung pag hinipo ko ang ulo ko na madiin msakit sya. mdalas n ang atake nya lalo sa work ko at palagi sa paglakad ko prang akong mbubuwal. makati ri ang mga tenga ko masarap kamutin mnsan nga ay nagdugo na du ko naman kinakamot sa my gilid hnd nman sa loob mismo. seguro nakuha ko to sa pkkiknig sa eraphone o ipod na malakas.

    Like

    • ganyan din ang nara2mdaman ko, almost 2years na ito, hanggang ngaun hnd parn gumagaling. nag umpisa kc to s tainga eh ung tainga ku tumunog after 2weks nahi2lo aq ng malakas. .hnd alam kung san nag umpisa tos tainga ang dahilan ng vertigo ku kc ngaun .hilong hilo parin ako pls anu b gamot nito? nahi2rapan na aku.

      Like

  10. ako halod mag dalwang buwan ng parang nagallaw ang pakiramdam ko pag nakupo at nakahiga vertigo na kaya 2 kc umpisa nito madalad namamanhid ang buong braso ko tpus wala akong gana kumain masakit ang likod ko sabi di na adaw 2 naalis uminum ako ng serc pero wala din ipekto at sai pa nila baka sa binat daw kc nakunan ako last june tpos sabi ng ibang doctor steers daw kc after ko makunan pumanaw ang nanay ko after 2mont bayaw ko ano kaya 2 hanggang ngayon kc ganun parin……

    Like

  11. ulitin ko ang sinabi ni prinsesang musang – mag ingat ka, at least alam mo na kung an ang dapat mong gawin.

    … salamat Kengks talagang ramdam ko ang sakit na ito.

    Like

  12. nako mag iingat ka baka mahilo ka bigla eh tumaob ka o kaya nasa hagdan ka o banyo.

    …. sALAMAT TALAGANG mahirap pala ang me Ganitong Sakit..

    Like

    • Ako Simula grade 6 pa ako sinusumpong ng ulo ko nasusuka umiikot mundo ko. at pnagppawisan ng malagkit sabay panginginig ng buong ktawan ko, hanggang ngaun na 20yrs old na ako ganun parin kung dati once a year lng ako cnusumpong pro ngaun every month na.minsan pa nga dpa mtapos isang buwan cnusumpong nman ako

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s