Dedma

Kung ilang beses na akong inakusahan ng pang de dedma ng aking partner na syang ikinagagalit nya. hindi ako kakausapin or hindi mag ttxt. Hindi ko din alam kung ano ang basehan para masabi na dinededma ko sya.
dahil ba sa hindi ko nagawa ang mga sinasabi nya eh pandedema na ba yun. Tulad na lang ng yayain sy a ng mga kaibigan nya mag punta ng Pagudpud. Nang hihiram sya para sa araw na yon hindi ako nangako na maibibigay ko. Pero umaasa sya gagawan ko ng paraan. Hindi ako maperang tao kaya hindi ko sya nagawan ng paraan. Na sobrang ikingalit nya. ang hindi ko lang matanggap ay ang pagiging sarado nya sa mga paliwanag ko. kinakailangan kung ano ang gusto nya yun ang masusunod.
kung ilang beses din naulit ang pang yayaring ito na hindi ko maunawaan kung bakit ganun ang ugali nya pag dating sa ganitong bagay feeling ko tuloy pinag aawayan namin eh pera. katulad ngayon hindi ko na naman nagawa ang gusto nya at hindi ko kagustuhan hindi ko ma itxt dahil una wala akong load, pangalawa nasa meeting ako at pangatlo masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako nadaan sa kanila. Hindi nya lahat matanggap yun. kahit siguro hindi na ako makagulapay sa sakit na nararamdaman ko basta yugn inuutos nya eh maibigay ko. hindi ko alam kung ano nga ba talaga. gusto nyang idiin ako sa kasalanang hindi ko naman ginusto. aminin ko na nag sisinungaling lang ako sa kanya na hindi ko talaga ginawa ang inuutos nya. Alam ko ang isang tao pag galit hindi maganda ang naiisip kaya tahimik na lang ako. nung araw na yon may bagay syang ginawa na sobrang pang hihiya para sa akin. at sa mga pa pilosopo kong sagot eh tingin nya ginagago ko na sya.kung ilang palitan pa ng mga txt msgs ng gabing yun kahit sinabi ko na kung pwede matutulog na ko..hindi ko alam at parang ayaw gumana ng isip ko kung ano ang dapat kong gawin. ang nasabi ko lang sa kanya na hindi nya ako minahal ng lubos para matanggap ang kahinaan ko, sa puntong ito
tumigil sa sa pagsagot. at ng i txt ko ulit ang sagot nya ayaw na nyang sumagot dahil sarado ang isip nya. isang indikasyon sa akin yun na hindi nga nya ako minahal nga totoo. dito na pumasok ang mga hinala ko na baka isang defense mechanism lang nya ito para mag hamon ako ng hiwalay , feeling ko meron iba, kahit hindi nya aminin ay nahuhuli din paminsan minsan. minsan namamali sya ng terms of endearment na itinatawag sakin, sumunod minsan nag aya ako manuod ng sine tumanggi pero nahuli kong me tatak pa ng sinehan ang kamay. sinabi nyang niyaya sya ng friend nya.. halatang nag sisinungaling ……Alam ko hindi tama isulat ko pa ito.. pero wala akong makausap sa bagay na ito. kung ilang araw ko na din itong dinaramdam sabayan pa ng masamamng pakiramdam..

4 thoughts on “Dedma

  1. mukha 2 lugar lang ang pwede nyo puntahan, ang mga bagay 2x pede pag-usapan kung kinakailangan nyo maging masbukas sa isa’t isa gawin nyo kung gusto nyo pa talga ang isa-isa’t .. at kung hinde naman baka nangangailangan muna pahinga ng inyong relasyon … at inyong hanapin ang inyong mga sarili…

    Vhincent… thanks sa advice napagusapan na namin ang mga kahinaan ng bawa’t isa sa amin. tulad ng sabi ko sana malagpasan namin ang ganitong sitwasyon…

  2. tingnan mo muna baka naman sobrang clouded lang pagtatampo ang iyong heart… most of the time emotion talaga ang gumagana ‘pag masyadong fresh ang isang incident.

    if you are still mad with your partner after so many weeks and you feel that same yung treatment niya sa iyo, then kausapin mo na siya ng masinsinan. before ka mag-come up ng isa pang mas malalim na decision.

    malay mo sadyang casual lang sa kanya ang mga asal niya just because masyado na siyang palagay sa iyo. Then isang point pa diyan eh may mga indibidwal na deadma kung hindi mo papansinin. hindi malakas ang kanilang sentido comon y sensitividad.

    ola

    …… Tama ka natural na sa kanya yung asal nya at kahit sya aminado di nya makontrol. at tingin ko din hindi sya ganun ka sensible na tao.. thank you sa advise sa ngayon okey na kami napapag usapan na namin ang mga shortcomings namin dalawa at sana malagpasan pa namin ang mga ganitong sitwasyon..

  3. take a break from each other. kailangan nyo yan.. kailangan mong mag isip kung tatanggapin mo pa ba ang mga ganyang sitwasyon… hinay hinay, sigurado ko, darating sa yo ang tamang sagot.

    …. Kengks, Thanks sa advise,, Tama ka minsan parang ayaw ko na tanggapin ang mga ganitong sitwasyon, para kasing one way lang kung susuriin. Siguro nga nasa tamang paguusap lang.

  4. mami, i thought ok ang lahat sa inyo ni ehem… sa nakikita ko kasi..and i was wrong.. maybe you need some spaces if thats the case.. happy pa naman ako at nalagpasan nyo ang unang relationship mo with you know( sorry kung nagkakamali ako minsan ng tanong!hahaha!buti nlng ala na si ehem doon!) basta mami what ever happens.. andito lng ako for you… di mo lng kasi ako napapansin… T_T…. malayo man tayo ng distansya hehehe…. nasa likod mo lng ako…. i love you mami…

    ….. Ok naman kami kaya lang pag talagang tinopak sobra. Sarado ang isip sa mga paliwanag siguro nga part ng relationship ang mga ganitong eksena. At tama ka today ang 1st year anniversary namin ng kamiy mag kakilala. Thanks sa lahat neng don’t worry pansin na pansin kita… hehehe;)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s