Ebidensya ng Katandaan

Berdey ko na! isang taon nanaman ang itinanda ko. Kaliwa’t kanan ang berdey greetings dito sa opis. Isang Berdey Greeting Card para sa mga ka berks ko dito sa Department at isang maliit na book ang regalo natanggap ko sa aking Matalik na Kaibigan … Wala munang celebration dahil walang pang celebrate hehehe.

Nakakatuwa ang Greeting Cards na natanggap ko dahil ang nakasulat duon ay eto:

Nuong bata ako hindi ko naranasan ang mag celebrate ng Birthday. Hindi ako nakaranas mag blow ng candle sa cake (hehe mabuti na idetalyado ko kung ano ang i Blo blow) tulad ng ibang bata. Pero naranasan ko din naman ito last year ng mag celebrate ako ng aking Berdey dito sa opisina. Sa wakas naka ihip din ng Birthday candle. Ang first birthday party ko naman eh nuong aking 29th Birhtday at yun ang pinaka masayang birthday ko kasama ng mga malalapit kong kaibigan at first time magsama sama muli ang family ko. Anyway, mas mahalaga sa akin na sa tuwing birthday ko eh mag pasalamat sa Diyos. Hindi pwedeng hindi ako aattend ng mass. Ito ang isa sa mga pagkakataon na mapasalamatan ko ang Panginoon sa lahat ng ibinigay Niya sa akin sa nag daang Taon at patuloy na ibibigay Nya kahit na minsan di ako umaayon sa kagustuhan nya..Sa mahigit tatlong dekada ko dito sa mundo marami na akong nakasabay meron akong naiwanan, meron namang mas naka ungos sa akin at meron din naman na nakasabay ko at patuloy na nakikisabay sa aking pag lalakbay. Ito ang mga taong nag-bibigay inspirasyon sa akin upang mag patuloy. Ano man ang maging balakid sa mga daraanan ko ay nananatili silang nariyan para sa akin.

Mahaba haba na rin ang inilagi ko sa mundong ito. Walang nakakaalam isa man sa atin kung hanggang saan ang ating lalakbayin. Pero tayo ba talaga ang gumagawa ng destinasyon natin? Dahil kung tayo, hindi ba’t mas gugustuhin nating maging maganda ang ating daraanan patungo sa ating pupuntahan?

“Life is never measured by the years you live, but by the caring you do, the cheer and loved you shared and the happy people whose hearts you’ve touched.”

8 thoughts on “Ebidensya ng Katandaan

  1. Neng…pa-canton ka naman…sa White Party…ikaw ha, naglilihim ka na ngayon…di mo sinasabi na berdey mo pala…c”,) Belated, Hitad… c”,)

    salamat hehehe😉 oo sensya na ha ayoko malaman nyo na akoy isang mortal

  2. uy, raul🙂 happy birthday. am sure mas marami ang i blow mong candles sa mga sunod na panahon!
    thanks Kengks .. next year 40 candles na ang i blow ko hehehe.:)

  3. weeee, pareho pala tayo ng bilang, hahahaha! sabay tayo magcelebrate🙂

    yup … mauna ka lang ng araw mag celebrate hehe… totoo kayang life begins at..🙂

  4. kung nasa baranka pa tayo malamang mei cake ka ulit mami!!.. lamu mo naman tayo.. kahit cake at pansit lng kei MJ na tig 15 pesos ang handa eh over na sa saya! basta mei picture!picture!nami miss ko na yun…. and i’ll be missing it very much pag wala na ako sa office…..

    ….. okey lang basta masaya tayo lahat….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s