Di mag-hilom na Sugat.

Bakit nga ba hindi pwedeng mamili ng magulang bago ka ipanganak? At kung pwede nga lang ba, siguro hindi ikaw ang pipiliin ko. Hindi natin parehong ginusto ang mag karoon ng ugnayan pero ikaw ang itinakdang maging Ama ko.

….Wala akong maalala na naging malapit tayo sa isa’t isa.kung meron man siguro natabunan na iyon ng matinding galit. Hindi ko o namin mag kakapatid naramdaman ang pag mamahal mo bilang isang ama. Ipinag kait mo sa amin ang maging ama at ang maging gabay sa aming pag laki.

Nang magkahiwalay tayo, galit ang natanim sa aking puso. At sa bawat araw na nag daan, lumalalim ang sugat na dinulot mo. Kung ang ibang bata’y o ikaw mismo ay himbing na sa pag tulog kami’y nasa lansangan pa at nag hahanap buhay. Bata pa lang kami ay natutunan na naming mag banat ng buto. Sa halip na makipag laro kami sa ibang bata, nasa loob lang kami ng tahanan at ginagawa ang mga gawaing bahay. Pilit kong hinahanap ang kasagutan kung bakit nagawa mo kaming ipag palit sa iba at tuluyang pabayaan. Ang bawat hirap na aming dindanas ay syang dahilan ng paglalim ng sugat na iyong gawa sa aming murang isipan at puso.
…Hindi mo alam kung gaano ko hinangad na mag karoon ng buong pamilya. Nag iiwan sa amin ng inggit tuwing kami’y nakakakita ng Pamilyang puno na pagmamahalan. Hindi mo alam kung gaano ko din hinahangad na sa tuwing kami’y madadapa ay may mag aakay para muling bumangon, sa tuwing kami’y maliligaw ay may mag aakay pabalik sa tama landas. Sa bawat tagumapay at kasiyahan ay may maalayan kami at mababahaginan ng tuwa.

Kahit hindi ka humingi ng tawad ay natutunan namin patawarin ka lalo na ang aking mga kapatid. Binigyan ka namin ng pag-kakataon na madama mo ang aming pag mamahal,….at marami pang taon ang nag daan.

Basta ang alam ko Matagal ng Panahon yon pero di pa rin nag hihilom ang Sugat.

Sa lahat ng Ama, Maligayang Araw sa inyong Lahat!

3 thoughts on “Di mag-hilom na Sugat.

  1. alam mo, mahirap ngang maghilom ang sugat pero saludo ako sa yo na nagawa mong magbitaw ng pangkalahatang greetings para sa mga tatay. baka medyo naghilom na rin ng konting konti ang sugat dahil nailabas mo na rin ang iyong sama ng loob at dahil sempre pa, kasama sa pangkalahatan ang tatay mo di ba? hugs to you, dear.

    …. siguro nga Kengks kahit konti ..

  2. ako, mami….kahit siguro di ako nagkaroon ng kompletong pamilya masasabi kong maswerte ako’t mei mga tita,tito,pinsan, lolo at lola akong nag alaga nag tuwid ng buhay ko… pero alam mo…kung papipilin ako sa susunod kong buhay kung sinong gsto kong makasama.. ang pamilya ko parin ngayon… at mga taong napalapit sa akin… mga friends….kayo….hehehe….. love you… buti ka nga nakita mo sya ako..ever since..hindi ko nakita ang father ko… but im so lucky to have one stepfather… =)

    ….. mas maganda pa din kung buo ang Family, I know me purpose talaga ang lahat ng mga pangyayari ito sa buhay ng tao…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s