Txtstalker

Hindi ko alam kung ano ang bagay na title dito sa post ko na ito..
Kung ilang linggo na rin naman akong nakaka receive ng message para mag SOP. “ tawag ka SOP tayu”. Sa kaliliman ng gabi yan ang narerecieved kong txt. Hinde ko pina pansin ang txt dahil sa mas masarap matulog. At hindi ko aaksayahin ang load ko para sa ganung klaseng offer (sana kung totohanang sex itu) anyway pinabayaan ko lang kahit gabi gabihin nya akong yayain sa SOP hindi ko pinatulan. Nagulat ako isang araw na nag txt sya “ add na kita sa friendster ko” hindi ko pinansin dahil wala naman akong pinag bibigyan ng friendster account ko for the last 9 months. Paano nya ako I add sa friendster eh di naman nya alam ang email ko. Nakilala ko lang sya sa nang mag PM sya sa akin sa isang site.. Wala pa rin syang nakuhang sagot sa akin. Pinabayaan ko na lang syang mag txt ng mag txt. Ilang araw din hindi nag txt ang mokong .. pero nung mag txt parang gusto kong kumain ng papel.. txt nya “Mis na kita.” Waaa ano to? hindi ako naka tiis nag reply ako “Hibang ka ba? Paano mo ko ma miss eh di naman kita kilala at di naman tayo nag kikita. Wag mo na nga ako itxt”. Ang sagot, “bakit masama bang ma miss ka”? Sa isip isip ko..Letse ano ba nakain nito at ayaw akong tigilan. Sinabihan ko na wag makulit I delete ang number ko. Pero talagang ayaw akong tantanan. At ngaun adik na ata nag a ay luv you na ang linitk.. at ang huling txt isang makabagbag damdamin “Sana naman Matutuhan mo akong MAHALIN”. Hay naku parusa ba ito?
Alam ko marami ang gusto ng ganito pero hindi na ako bata para sa ganitong relasyon. Tama na yung panahon na nag paka tanga ako at naniwala me lugar ang ganitong uri ng pag-ibig.

8 thoughts on “Txtstalker

  1. hhmm, may pagka-windang nga yung ganon. e di mo nga pinapansin, ni di mo nga alam kung sino sya tapos mahal ka na nya at na miss ka na nya? hmm – questionable talaga. mabuti naman at maingat ka na sa mga ganyan.
    …… oo talgang nakaka windang hehehe salamat naman at kagabi at hanggang ngayon wala na. sana nga tuluyan ng di mag txt..;)

  2. ay katakot! dyosko! baka goodtime lang po yan. hahaha!
    asar na ako sa mga ganyan. kaya nga nagyon ay hindi na ako nagtetext ng madalas. pera na lang kung walang magawa at lahat ng anonymous texter eh rereplyan ko! hahaha!

    …..ay naku walang tigil pa din sa pag ttxt.. at hindi ko naman nirereplayan.;)

  3. huwaatt??! tama ba naman ang mga pinagsasabi niya? talaga namanng nakakatakot yan. baka sa susunod magulat ka na lang at nasa labas na yan ng bahay nyo ha!😀

    … talagang stalker na yan hehehe… salamat sa pag bisita.

  4. Hakhak.

    Sigurado ‘ko kakilala mu ‘yan, pinagtitripan ka lamang niyan.

    Hala, malay mo aku ‘yan.

    Hakhak.

    elyens!

    XXXxx
    ….. hindi ko sya personal na kilala pero naalala ko na kung saan nya nakuha ang number ko. eto na ang txt kapag umaga “Magandang Alon, Tol” feeling ko nasa sireneya na ako.😉 salamat sa pag bisita..

  5. i-paskil mo yung number para kulitin ng iba. lol. gantihan ba…

    [bumisita galing ng wp-pinoys.com]

    … salamat sa pag bisita … Magandang idea yan ah. magawa nga hehehe:)

  6. tama si reyn

    hakhak

    elyens

    ating i-flood!

    XXXxx

    …. hay naku di nanaman ako tinanan tanan kahapon sa txt. kahit dedmahin ko. Kanina lang mga 6am nag txt “SOP daw kami, tigang daw sya” hahahaha kahit maging tuod na sya di ko pa rin ittxt.. pa txt mo nga sa ibang elyens😉

  7. may naging stalker din ako na ganyan nung college. mas malala pa nga kasi alam nya talaga kung san ako nakatira at kung san ako nagaaral.

    ang sagot ko sa kanya, “sige nga, kung magaling ka talagang stalker, anong kulay ng sofa namin?”

    Hindi na sumagot yung mokong.

    … hi Jane kasing itxt at lalakas lang talaga ang loob sa pag ttxt baka akalain pa na nag papa hard to get lang ako hehehehehe….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s