Ebidensya ng Katandaan

Berdey ko na! isang taon nanaman ang itinanda ko. Kaliwa’t kanan ang berdey greetings dito sa opis. Isang Berdey Greeting Card para sa mga ka berks ko dito sa Department at isang maliit na book ang regalo natanggap ko sa aking Matalik na Kaibigan … Wala munang celebration dahil walang pang celebrate hehehe.

Nakakatuwa ang Greeting Cards na natanggap ko dahil ang nakasulat duon ay eto:

Nuong bata ako hindi ko naranasan ang mag celebrate ng Birthday. Hindi ako nakaranas mag blow ng candle sa cake (hehe mabuti na idetalyado ko kung ano ang i Blo blow) tulad ng ibang bata. Pero naranasan ko din naman ito last year ng mag celebrate ako ng aking Berdey dito sa opisina. Sa wakas naka ihip din ng Birthday candle. Ang first birthday party ko naman eh nuong aking 29th Birhtday at yun ang pinaka masayang birthday ko kasama ng mga malalapit kong kaibigan at first time magsama sama muli ang family ko. Anyway, mas mahalaga sa akin na sa tuwing birthday ko eh mag pasalamat sa Diyos. Hindi pwedeng hindi ako aattend ng mass. Ito ang isa sa mga pagkakataon na mapasalamatan ko ang Panginoon sa lahat ng ibinigay Niya sa akin sa nag daang Taon at patuloy na ibibigay Nya kahit na minsan di ako umaayon sa kagustuhan nya..Sa mahigit tatlong dekada ko dito sa mundo marami na akong nakasabay meron akong naiwanan, meron namang mas naka ungos sa akin at meron din naman na nakasabay ko at patuloy na nakikisabay sa aking pag lalakbay. Ito ang mga taong nag-bibigay inspirasyon sa akin upang mag patuloy. Ano man ang maging balakid sa mga daraanan ko ay nananatili silang nariyan para sa akin.

Mahaba haba na rin ang inilagi ko sa mundong ito. Walang nakakaalam isa man sa atin kung hanggang saan ang ating lalakbayin. Pero tayo ba talaga ang gumagawa ng destinasyon natin? Dahil kung tayo, hindi ba’t mas gugustuhin nating maging maganda ang ating daraanan patungo sa ating pupuntahan?

“Life is never measured by the years you live, but by the caring you do, the cheer and loved you shared and the happy people whose hearts you’ve touched.”

Pride Manila Chorus (repost)

Almost a year na ang nakalipas ng mag perform ang Choir sa isang Bar sa Makati for the Pride Month ng Celebration ng LGBT people. Nakaka miss na ang umawit at nakaka miss na din ang grupo.

“Music is one of my passions. I listen to all sorts regardless of genre. Kaya ng mabasa ko sa isang yahoo group ang announcement for the Choir audition.. pinag isipan ko mabuti if i will join or not dahil wala akong gaanong experience sa choir music. During the audition kabado ako masyado dahil sa mga naunang nag audition sakin eh magagaling at me mga experience sa choir ..”

Pride Manila Chorus

The first openly known Filipino male gay choir best known to be diverse as a group and acts as the voice and musical ambassadors of the gay community in all its splendid rainbow colours!
Pride Manila Chorus’ name is just a declaration and celebration of what we stand for — being proud to be Gay Men. PMC has been vision to be the country’s first gay men’s choir — who, aside from being proud of their colorful sexuality, also presents a musically diverse sound that will touch the gay man’s heart it all started as a suggestion to organize the first gay men’s choir in Manila. We had our first rehearsal September of 2004.
Grabe ang tuwa ko when I recieved a text msg sa organizer ng Choir. Trainee na ako sa wakas hehe…When i sat sa first rehearsal namin sa Bass 1 ako nailagay Unang piyesa pinag aralan namin Eres Tu,.. Spanish bigat then Yesterday ng Beatles .. hehehe at first medyo tahimik ang grupo the following week well anu pa ba ma eexpect pag pinag sama sama mo ang mga Diwata.
Eto ang masaya.. ang First Public Appearance ng Pride during the LGTB Pride Celebration December 2004 hehe.. (Tama ba?) Merry Novo at maraming pang iba.
Ang first major concert namin sa ABELARDO HALL, UP entitled “First Notes” dami nanuod.. Box Office ika nga.. dahil napuno ang hall as talagang puno… dami estudyante ng La Salle. Thanks ke Nonon na syang maraming fans nung gabi na yun.
After concert nawala na ang ibang member. kaya medyo tumamlay ang grupo pero napalitan din naman ng mga equally talented na singers ganun pa man di pa rin ako pedeng makipag sabayan sa kanila ..
Nakakalungkot lang isipin na after almost 3 years bigla na lang tumigil sa pag kanta ang grupo..Nakakaloka kasi ang huling shows eh CCP’s Huling Hirit Series Ay lab Notes .. syet parang isang malaking sumpa sa grupo dahil sa pag kawala ng mga members.
Sobrang miss ko na kumanta ulit. Sana mabuo ulit ang PRIDE MANILA CHORUS!!!

Di mag-hilom na Sugat.

Bakit nga ba hindi pwedeng mamili ng magulang bago ka ipanganak? At kung pwede nga lang ba, siguro hindi ikaw ang pipiliin ko. Hindi natin parehong ginusto ang mag karoon ng ugnayan pero ikaw ang itinakdang maging Ama ko.

….Wala akong maalala na naging malapit tayo sa isa’t isa.kung meron man siguro natabunan na iyon ng matinding galit. Hindi ko o namin mag kakapatid naramdaman ang pag mamahal mo bilang isang ama. Ipinag kait mo sa amin ang maging ama at ang maging gabay sa aming pag laki.

Nang magkahiwalay tayo, galit ang natanim sa aking puso. At sa bawat araw na nag daan, lumalalim ang sugat na dinulot mo. Kung ang ibang bata’y o ikaw mismo ay himbing na sa pag tulog kami’y nasa lansangan pa at nag hahanap buhay. Bata pa lang kami ay natutunan na naming mag banat ng buto. Sa halip na makipag laro kami sa ibang bata, nasa loob lang kami ng tahanan at ginagawa ang mga gawaing bahay. Pilit kong hinahanap ang kasagutan kung bakit nagawa mo kaming ipag palit sa iba at tuluyang pabayaan. Ang bawat hirap na aming dindanas ay syang dahilan ng paglalim ng sugat na iyong gawa sa aming murang isipan at puso.
…Hindi mo alam kung gaano ko hinangad na mag karoon ng buong pamilya. Nag iiwan sa amin ng inggit tuwing kami’y nakakakita ng Pamilyang puno na pagmamahalan. Hindi mo alam kung gaano ko din hinahangad na sa tuwing kami’y madadapa ay may mag aakay para muling bumangon, sa tuwing kami’y maliligaw ay may mag aakay pabalik sa tama landas. Sa bawat tagumapay at kasiyahan ay may maalayan kami at mababahaginan ng tuwa.

Kahit hindi ka humingi ng tawad ay natutunan namin patawarin ka lalo na ang aking mga kapatid. Binigyan ka namin ng pag-kakataon na madama mo ang aming pag mamahal,….at marami pang taon ang nag daan.

Basta ang alam ko Matagal ng Panahon yon pero di pa rin nag hihilom ang Sugat.

Sa lahat ng Ama, Maligayang Araw sa inyong Lahat!

My Lakbayan grade is D!

 

Naaliw naman ako dito, na miss ko tuloy ang mag fieldwork at mag laboy. Nang dahil sa work ay nakarating na ako sa ilang parte ng Pilipinas tulad ng Davao, Cagayan De Oro at ang ilang parte ng Luzon. Sa parteng Visayas na lang ang di ko pa napupuntahan at hopefully mapuntahan ko din sa mga darating na araw.

Show me how much of the Philippines have you travelled & add your link here…1) Mind bubbles, 2) May, 3) VANITY KIT 4) SOMETHING PURPLE,5.) A DETOUR, 6) Big Eyed Gal, 7) The Chronic Shopper, Free IT and Blogger’s EBook, 9) Ness 10) Mica11) Bernadeth 12. Bernisaac 13. Expressions and Thoughts14. Our Family Story 15. Mumsified 16. J-B-L-O-G-G-E-D17. Dakilang Islander 18. Si Lyzius Sa Dubai 19. Madbong (NZ) 20. RJ 21. Jeck 22. the_empr3ss


My Lakbayan grade is D!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

Polvoron at Yema

Hay balik work ulit at balik blag. nainspired ako sa post na ito ni manilenya 2008/06/08/entrepreneur Sa dalawang araw ko pag babakasyon. Nagawa ko lahat ng aking paninda “polvoron at yema” yan ang aking pinag kakaablahan para naman may konting dagdag kita sa aking bulsa. Kailangan ng maging matalino ang tao para kahit paano umunlad ang kabuhayan. Hindi mo na kasi pwede i asa lang sa kinikita mo dahil kulang talaga. Hindi madali ang maging EntrePinoy dahil kung wala kang idea sa gagawin mo malamang mahirapan ka sa pag umpisa. Tulad ng pag gawa ng yema at polvoron hindi sya madali dahil mahirap ang mag halo at mag hulma. Pero dahil gusto kong gawin ay okey lang dahil marami naman ang bumibili dito lang sa opisina Patok na. Kahapon ay nag karoon ako ng ideya sa mga varieties ng Polvoron. Pinag hahandaan ko ito para sa mas maramihan na pag gawa kahit wala pa akong gaano puhunan.

Txtstalker

Hindi ko alam kung ano ang bagay na title dito sa post ko na ito..
Kung ilang linggo na rin naman akong nakaka receive ng message para mag SOP. “ tawag ka SOP tayu”. Sa kaliliman ng gabi yan ang narerecieved kong txt. Hinde ko pina pansin ang txt dahil sa mas masarap matulog. At hindi ko aaksayahin ang load ko para sa ganung klaseng offer (sana kung totohanang sex itu) anyway pinabayaan ko lang kahit gabi gabihin nya akong yayain sa SOP hindi ko pinatulan. Nagulat ako isang araw na nag txt sya “ add na kita sa friendster ko” hindi ko pinansin dahil wala naman akong pinag bibigyan ng friendster account ko for the last 9 months. Paano nya ako I add sa friendster eh di naman nya alam ang email ko. Nakilala ko lang sya sa nang mag PM sya sa akin sa isang site.. Wala pa rin syang nakuhang sagot sa akin. Pinabayaan ko na lang syang mag txt ng mag txt. Ilang araw din hindi nag txt ang mokong .. pero nung mag txt parang gusto kong kumain ng papel.. txt nya “Mis na kita.” Waaa ano to? hindi ako naka tiis nag reply ako “Hibang ka ba? Paano mo ko ma miss eh di naman kita kilala at di naman tayo nag kikita. Wag mo na nga ako itxt”. Ang sagot, “bakit masama bang ma miss ka”? Sa isip isip ko..Letse ano ba nakain nito at ayaw akong tigilan. Sinabihan ko na wag makulit I delete ang number ko. Pero talagang ayaw akong tantanan. At ngaun adik na ata nag a ay luv you na ang linitk.. at ang huling txt isang makabagbag damdamin “Sana naman Matutuhan mo akong MAHALIN”. Hay naku parusa ba ito?
Alam ko marami ang gusto ng ganito pero hindi na ako bata para sa ganitong relasyon. Tama na yung panahon na nag paka tanga ako at naniwala me lugar ang ganitong uri ng pag-ibig.

Pinoy Idol

Last Friday ko lang napanuod ng maayos ang Pinoy Idol hindi ko pa nga tinapos dahil sa walang kwenta. Ilang contestan pa lang ang nag pakita ng galing nila sa pag awit ay tinulugan ko na. Nakakadismaya ang mga ipinakita nila naturingan pa namang Pinoy Idol ang sinalihan nila pero hello sana sa fiestahan na lang sila sumali? Alam ko wala akong authority para mag judge, pero kahit paano nakakaintindi ako sa musika at magandang performances. Kahit sigurong simpleng manunuod lang at kahit yung mga hindi marunong kumanta lalaitin sila. At ang mga suot OMG peryahan ba ito. Di hamak na mas magaling pa ata ang Philippine Idol finalist. At ang mga judges, sorry to say pero hindi credible para sa akin. Over all Pangit ang ipinapakita nang Pinoy Idol. Pasensya na sa mga Idol Fanatics.