Saan ka ba papunta?

Share ko lang ulit.. nahalungkat ko lang sa aking mga inbox..
Tayo ay hindi nabuhay sa mundong ito para maging isa lang sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito.
Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea. Wala na ang mga kaibigan mo noon.
Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka. Ang hirap nang magtiwala.
Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang “corporate ladder”. Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.
Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo. Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.
Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon, dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo. Masaya ka na noon pag nakakapag-ober- da-bakod kayo para akapagswimming. Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi boracay o Puerto Galera ang lugar. Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon,pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser. Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo.

Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento. Kung ang buhay mo ngayon ay paulit-ulit lang hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka. Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo. Balikan mo sila. Ikaw ang nagbago,hindi ang mundo.

3 thoughts on “Saan ka ba papunta?

  1. nakabasa na naman ako ng gastusin..haha! antagal ko na iniiwasan yan eh hinahabol pa rin ako..hanggang dito ba naman may nagpapaalala..

    pero minsan kelangan mo talaga makisabay sa bilis ng pag ikot ng mundo. walang masama sa pagbabago kung sa ikabubuti mo to

    ….. hindi talaga maiiwasan ang gastos, kahit anong iwas gagastos ka pa din. Tama hindi masama ang pag babago kung hindi ikinalalaki ng ulo ng isang tao… Salamat at napadpad ka sa aking imperyo…. sana’y makabalik ka😉

  2. hay. gastos na naman uli. pero minsan kahit anong tipid ang gawin ko hindi pa rin ako makaipon ng sapat. hayyy.

    oo nga naman akko ang nagbago at hindi ang mundo. wapak.

    nyz post!

    …….talagang hindi na natin maiiwasan ang gastos parte na ng buhay natin at me titipirin pa ba tayo…🙂

    salamat sa pag bisita

  3. pero alam mo, dapat talaga magtabi tayo ng konti bawat sweldo. pero ano bang pinagsasabi ko e ako late na rin nagsimulang mag save. ang ginawa ko, lahat nung bonus or 13th month pay ko, buong buo ko silang nilalagak sa bangko. kasi sempre unexpected money yon di ba? pero ngayon, pano ko save e sex slave lang ako, hahahaha

    naloka naman ako dun sex slave… pero masarap yun ha🙂 sa krisis ngayon malamang hindi na makaipon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s