Save the best thing for last. (Buhay Bading)

Napanood ko ang Your Song / With out you Episode at nakakatuwa ang istorya. Paano kaya mag tatapos ang story na ito? Eto lang ang masasabi ko sa mga ganitong Kwento ng isang Bading.

Karamihan sa ating mga bading ang mahilig pumasok sa mga relasyon sa tunay na lalaki o kapwa bading. Masaya at Magulo ang masasabi ko sa ganitong uri ng relasyon. Marami sa atin ang nag hahangad sa ganito pakikipag relasyon. Dahil hindi ata makokompleto ang pag katao ng isang bading kung hindi naranasan ito. Lagi lang naman nating iisipin na sa ganitong relasyon walang tumatagal at hindi permanente o hindi nag-tatagal.

Well kung di man mag tagal ang isang relasyong bading.ano nga ba ang dapat gawin tulad din ba sa babae na mag mumukmok na lang o kaya magiging man hater?
Hinde ba life should go on? Iwan ka man nang ka relasyon mo aba hinde dahilan para tumigil ang mundo mo. Mag simula ka ulit at mag hanap ng bago.
Tanggapin mo sa sarili mo kung ano ka talaga.Minsan kasi nag iinarte tayo. Hindi tayo babae para mag pakaPG ( pa girl noh! ) Kung bibigyan ka ulit ng pag kakataon ng isa pang relasyon aba matuto tayo sa mga mistakes natin. Ano ba ang mga pinag gagawa natin sa nakaraang relasyon natin. At dapat aware ka sa mga dahilan ng mga failed relationships mo. Araw araw dapat me natutunan tayo sa ating relasyon. Dapat me Kontrol ka na sa mga emosyon tigilan ang selos at pag giging nagger sa iyong ka relasyon. Actually applicable din ito sa mga babaeng sobrang selosa at sobrang talakitok (nagger) na konting kibot naka selos bawat galaw pinag dududahan. Aba’y malamang iwanan ka.

Eto pa ang isang nakakatuwa sa mga vaklush. Aligaga sila sa mga panganailangan ng kanilang ka relasyon kesa sa kanilang sarili. Mas effect siguro kung unahin muna ang sarili mo bago ang ka relasyon. Kung minsan kasi magkaroon lang ng bf kesehodang maging Purita Mirasol ang drama mo maibigay lang ang mga pangangailangan ng bf mo. Marami sa atin ang bulag sa ganitong sitwasyon, pero hindi lang yan ang ginagawa natin makuha lang ang trust ng karelasyon natin. Sabi nga kung me tyaga me nilaga, (saging?) me mga gumagawa ng pag tulong sa pamilya. ( charity?)…

Pero back to reality, ang mga past experience natin eh hindi hadlang sa atin upang mag move on. Kalimutan ang mga ito kahit na gaano pa ka traumatic ito. Kung biyayaan ka ng isang matinong relasyon aba sing na ng Hallelujah to the highest note. At tigilan na nag pagiging paru paro, at wag maging talipandas. Makunento ka sa isa. Huwag mong hayaan na maka wala pa.

One thought on “Save the best thing for last. (Buhay Bading)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s