MAY kasiyahan pa ba?

Ang bilis talaga ng panahon, sa isang iglap halos naka kalahati na ang taon. Last year 2007, maganda ang pasok ng May sa’kin dahil sa mag kakasunod na outing. Una nung May 1 naki join kami sa Fontana Outing ng aming Accounting department super saya talaga. Ganda ng Fontana first time ko makarating dun sarap mag slide hehe grabe ang taas at mas nakakaloka yung wave nila hehehe exciting talgang inaabangan ng mga tao. halos nalibot namin ang buong fontana pati lazy river pinatos namin hehe.. the best ang outing na yon hehehe dahil bukod sa mga na enjoy namin ang ganda ng resort na enjoy ko din ang nag gagandahan katawan ng mga menchu hehehe ,, then May 5 naman ang company outing namin sa villa cristina resort sa Antipolo.. syempre me team building ang drama kung anik anik na games para daw me bonding effect ang mga tao. nasa yellow team ako puro kami girls hahahaha. kaya lang itsura ng mga batang paslit kami sa pool dahil kiddie pool ba naman ang languyan namin… at sobrang itim ko nung mag pasya akong umahon sa pool hehehe at least na enjoy ko ang tubig. at ang huli kasiyahan nung Mayo ay sa Quezon, Sariaya eto po naman eh isang kahindik hindik na pangyayari sa amin dahil sa mura nga ang resort eh Talagang halos lahat ng mura eh sinabi na namin dahil sa kaartehan..pag lakbayin ba naman kami ng aming hosts (actually kasamahan namin sa department) na hinde sya kasama sa isang di namin alam na lugar pinahatid lang kami sa kapatid nya. ayon binagtas namin ang isang mahabang daan na super dilim… at ng marating namin ang resort talgang madilim wala ng choice kundi mag enjoy na lang. kung ano anu ang aming mga ginawa hanggang madaling araw…. (kainis di ko mai post ang mga picture)😉
Pero ngayun Mayo wala pang malinaw na plano para sa aming opisina, ang balita sa Montalban kaya lang katakot baka biglang bumalik dun si Bernardo Carpio habang kami ay naliligo. hehehe…
sana naman bago matapos ang Mayo eh maka pag outing kami.. Baka kasi yung sabi nilang May eh May ulan na pala para mag outing…😉

3 thoughts on “MAY kasiyahan pa ba?

  1. mura ba? hahaah. ganyan din nangyari kay kengkoy nung nakita nya ang aguila beach resort e, shocking talaga sya. biglang nag walk out at naghanap ng ibang resort. kasi nga mura, so wag ka na mag expect ng kung anong eklat di bash. maganda ba talaga sa fontana? hindi ko pa narating yan e

    maganda ang dami mo mapupuntahan. kung gusto mo mag swimming sa pool meron tapos mag slide slide ka . kung gusto mo naman mag laro sa mga bumubugang tubig meron din sensya na di ko alam ang tawag dun hehe sarap kasi tumapat sa tubig para kang mina massage.. tapos mag palutang lutang ka dun sa lazy river o kaya naman dun ka sa may waves at sabayan mo ang alon.. siguro ngayon maganda pa lalu yun ..😉 the best yun sa mga napuntahan ko.

  2. yung bumubugang tubig na yon e either whirlpool, jacuzzi or thermal spring, natawa naman ako sa yo, hahaha

    😉 hinde ko kasi alam tawag dun pero promise maganda dun hehe

  3. yah! namiss ko ang outing na yan!… grbe.. super gala to the max ang big 4!… hahaha… sayang nga eh di natuloy ang swimming ng acctng!.. kaya lng kahit matuloy yun hndi rin naman tayo makakasama!..wahahaha
    ……;) wala kasi ang financier nila kagagaling lang sa pag luluwal ng sangol hehehehe at yung balitang sa 8th waves kinulang ata kaya di natuloy hinihintay pa ang pang walong alon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s