Delete this Blog?

Matagal ko ng pinag iisipan ang bagay na ito. Halos tatlong buwan na ng mag simula akong pasukin ang mundo ng web log. Akala ko ganun lang kadali ang gawing ito.
Hindi porke’t magaling ka mag sulat ay pwede na. Kailangan talaga mag karoon ka ng oras at disiplina. Nabasa ko sa isang article ang 4 way test para sa isang blogger.

Una, Me resoursces ka ba bilang isang blogger, hindi lang idea na isusulat ang kailangan dapat meron kang sariling computer na internet ready. Pwede naman sa net café pero hindi daw ito sustainable.
Pangalawa. Ay ang Oras. Do you have a time to blog? Sabi kasi ang mga pro bloggers dapat daw mag spend at least 2 hours a day and dapat consistent ka sa disiplinang ito. Karamihan sa mga kumikitang bloggers they look it as a long term. Katulad ng negosyo matagal ang balik ng kita.
Pangatlo, Ito ba talaga ang gusto mo or nakikigaya ka lang. Meron ka bang Passion sa pagsusulat at ibahagi ang mga ideas mo sa iyong mga readers? Dapat alam mo ang in and out sa bawat issue na I isinusulat mo.dahil kung hindi baka walang makuhang information ang mag babasa.
At Pang Apat, meron bang saysay sa iyo ang pag susulat. O masaya ka ba sa pag susulat mo dahil kung hindi walang dahilan para ipag patuloy ito. Sayang ang oras mo.

Ang isang pro bloggers ay hindi lang kasikatan at kita ang dapat na moivation nya sa paggawa ng blog. Kundi ang mag karoon ng halaga sa iyong mga mambabasa, kahit pag bibigay inpormasyon, inspirasyon o simpleng pag papasaya matapos basahin ang iyong mga post ay isang satisfaction para sa manunulat.

Kalahati nito ay naangkop sa akin, pero mas nag worry ako dahil sa iilan lang ang nag kakaroon ng interest mag comment sa mga na ipost ko. Hindi ko yata na satisfy ang aking mga readers. Kaya pinag iisipan ko talaga mabuti kung mag papatuloy ako sa mundo ng blogging.

THE POEM

I knelt to pray but not for long,
I had too much to do.
I had to hurry and get to work
for bills would soon be due.
So I knelt and said a hurried prayer,
and jumped up off my knees.
My Christian duty was now done
My soul could rest at ease.
All day long I had no time
to spread a word of cheer.
No time to speak of Christ to friends,
they’d laugh at me I’d fear.
No time, no time, too much to do,
That was my constant cry,
No time to give to souls in need
But at last the time, the time to die.
I went before the Lord, I came,
I stood with downcast eyes.
For in his hands God held a book;
It was the book of life.
God looked into his book and said
‘Your name I cannot find.
I once was going to write it down…
But never found the time’.

Tips for an Exceptional, Superb & Powerful Life!

Some thoughts about living a powerful life. All blessings and a have wonderful life comes into your door.

When you wake up in the morning complete the following statement, ‘My purpose is to ___________ today.
Live with the 3 E’s — Energy, Enthusiasm, Empathy.
Try to make at least three people smile each day.
Don’t waste your precious energy on gossip, energy vampires, issues of the past, negative thoughts or things you cannot control. Instead invest your energy in the positive present moment.
Realize that life is a school and you are here to learn. Problems are simply part of the curriculum that appear and fade away like algebra class but the lessons you learn will last a lifetime.
Smile and laugh more. It will keep the energy vampires away.
You don’t have to win every argument. Agree to disagree.
Don’t compare your life to others’. You have no idea what their journey is all about.
What other people think of you is none of your business.
Get rid of anything that isn’t useful, beautiful or joyful.
Envy is a waste of time. You already have all you need.
Forgive everyone for everything.Do the right thing!
Call your family often
Each night before you go to bed complete the following statements: ‘I am thankful for __________.’ Today I accomplished _________.

Saan ka ba papunta?

Share ko lang ulit.. nahalungkat ko lang sa aking mga inbox..
Tayo ay hindi nabuhay sa mundong ito para maging isa lang sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito.
Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea. Wala na ang mga kaibigan mo noon.
Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka. Ang hirap nang magtiwala.
Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang “corporate ladder”. Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.
Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo. Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.
Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon, dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo. Masaya ka na noon pag nakakapag-ober- da-bakod kayo para akapagswimming. Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi boracay o Puerto Galera ang lugar. Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon,pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser. Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo.

Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento. Kung ang buhay mo ngayon ay paulit-ulit lang hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka. Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo. Balikan mo sila. Ikaw ang nagbago,hindi ang mundo.

Natatandaan mo ba ang mga bagay na ito?

Gusto ko i share ang forwarded email na ito dahil tinamaan ako. Alam ko meron din nakakaalam ng mga bagay na ito.
–nung ikaw ay bata… nagawa mo ba to?—
*kumakain ka ba ng aratilis? makopa? kaymito? kamias?
*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting? kung minsan okra ang ginagamit, na ubod din naman ng lagkit.
*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog? *marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?
*malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes? pero mas gusto mo pa rin ang jolens at jackstone.
*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left,right,left, right, a, b, a, b, start? *may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit,Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?
*addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya?
*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?
*inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna…
nung high school ka inaabangan mo lagi Beverly Hills 90210? or ang star brighters ni boy c. de guia?
*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?
*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo? at syempre kahit naka skirt ka eh meron ka pa rin shorts sa ilalim.
*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging?*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?
*eto malupet… six digits! lang ba ang phone number nyo dati? Itim ang kulay ng telepono nyo?
at meron ka pang party-line, hanep!
*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala? parang kanta ni dingdong avanzado di ba?
*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na “eh kasi bata”?
*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo? *noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
*alam mo lyrics ng “tinapang bangus” at “alagang-alaga namin si puti”?
*alam mo ang kantang “gloria labandera”.. lumusong sya sa tubig ang paa ay nabasa at ang “1, 2, 3,asawa ni marie”
*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego… at nag-iipon ka ng G.I.Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?
*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong. ..diba naninipit yun?
*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty.
*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum…tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?
*kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa… at sanay ka tawagin ang porno as BOLD?
*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?
KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS OLD…KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA 23-25 KA…WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG. DIBA .75CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW?
Ang dami ng pag babago sa Mundo at isa lang ang ibig sabihin nito tumatanda na ako… hehehe

WPP Give Back – Ang Huling Araw

Bukas na ang final day ng Give Back contest na ito. Ang unang contest na sinalihan ko simula ng ako’y mapasabak sa mundo ng mga  bloggers. Sumali ako sa contest na ito sa dalawang dahilan una ang makilala ang blog ko sa at para manalo. Iilan lang kaming sumali. Siguro dahil sa ang iba ay me sarili ng domain.

Hindi ko naman inaasahan ang manalo dito dahil hindi ko na gawa ang contest rule. Pero ganun paman
Natutuwa ako at Nalulungkot, may tuwa kasi nakilala na ang blog ko meron ng mga nakaka bisita at meron na rin naman naging ka link, nalulungkot kasi bihira lang ako makakuha ng comment sa mga ginawa ko. Kaya napapa isip ako kung me sense ba ang mga nasusulat ko o sadyang iilan lang ang matiyagang nag babasa. Isang pasasalamat ang nais hatid ng post na ito para Word Press Pinoy.
Salamat sa mga Sponosor ng Contest na ito.
Make Money Online
annie_thejourney
mitchteryosa
iris
siopao
Congrats at Mabuhay!

Save the best thing for last. (Buhay Bading)

Napanood ko ang Your Song / With out you Episode at nakakatuwa ang istorya. Paano kaya mag tatapos ang story na ito? Eto lang ang masasabi ko sa mga ganitong Kwento ng isang Bading.

Karamihan sa ating mga bading ang mahilig pumasok sa mga relasyon sa tunay na lalaki o kapwa bading. Masaya at Magulo ang masasabi ko sa ganitong uri ng relasyon. Marami sa atin ang nag hahangad sa ganito pakikipag relasyon. Dahil hindi ata makokompleto ang pag katao ng isang bading kung hindi naranasan ito. Lagi lang naman nating iisipin na sa ganitong relasyon walang tumatagal at hindi permanente o hindi nag-tatagal.

Well kung di man mag tagal ang isang relasyong bading.ano nga ba ang dapat gawin tulad din ba sa babae na mag mumukmok na lang o kaya magiging man hater?
Hinde ba life should go on? Iwan ka man nang ka relasyon mo aba hinde dahilan para tumigil ang mundo mo. Mag simula ka ulit at mag hanap ng bago.
Tanggapin mo sa sarili mo kung ano ka talaga.Minsan kasi nag iinarte tayo. Hindi tayo babae para mag pakaPG ( pa girl noh! ) Kung bibigyan ka ulit ng pag kakataon ng isa pang relasyon aba matuto tayo sa mga mistakes natin. Ano ba ang mga pinag gagawa natin sa nakaraang relasyon natin. At dapat aware ka sa mga dahilan ng mga failed relationships mo. Araw araw dapat me natutunan tayo sa ating relasyon. Dapat me Kontrol ka na sa mga emosyon tigilan ang selos at pag giging nagger sa iyong ka relasyon. Actually applicable din ito sa mga babaeng sobrang selosa at sobrang talakitok (nagger) na konting kibot naka selos bawat galaw pinag dududahan. Aba’y malamang iwanan ka.

Eto pa ang isang nakakatuwa sa mga vaklush. Aligaga sila sa mga panganailangan ng kanilang ka relasyon kesa sa kanilang sarili. Mas effect siguro kung unahin muna ang sarili mo bago ang ka relasyon. Kung minsan kasi magkaroon lang ng bf kesehodang maging Purita Mirasol ang drama mo maibigay lang ang mga pangangailangan ng bf mo. Marami sa atin ang bulag sa ganitong sitwasyon, pero hindi lang yan ang ginagawa natin makuha lang ang trust ng karelasyon natin. Sabi nga kung me tyaga me nilaga, (saging?) me mga gumagawa ng pag tulong sa pamilya. ( charity?)…

Pero back to reality, ang mga past experience natin eh hindi hadlang sa atin upang mag move on. Kalimutan ang mga ito kahit na gaano pa ka traumatic ito. Kung biyayaan ka ng isang matinong relasyon aba sing na ng Hallelujah to the highest note. At tigilan na nag pagiging paru paro, at wag maging talipandas. Makunento ka sa isa. Huwag mong hayaan na maka wala pa.