Damang dama ko ang kati Mo!


kuha nung umaga, mga lumulutang na cottage

Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng mag swimming kami sa Matabungkay, Batangas. Napag kasunduan kasi ng mga officemate ko na dun na lang mag swimming. Overnight swimming so after namin sa bahay ng aming Host, kung saan nag dinner kami with matching videoke pa. Kantahan walang humpay. at alas otso na nang mag simulang tumulak papunta sa Matabungkay mag 30 mins lang naman ata mula sa bahay na aming pinanggalingan. Maraming tao sa cottage area pa lang dama mo na maraming tao sa beach dahil me mga nag videoke din maliwanag ang beach….Laking gulat ko ng lumapit mag punta na kami sa may beach area para kumuha ng cottage malapit sa dagat. Nasa coastal road ba ako? sobrang dami ng tao at feeling ko s squatter area ang lugar, ang swimming area puro floaing cottage. Nakakaloka! Aaminin ko first time ko pumunta sa Matabungkay.. sikat ito nung 80’s expected ko yung malinis di ganun matao to think na night swimming ha.. matapos namin galugarin ang dalampasigan ni Ateng at bumalik sa cottage. nag pasya ako maligo. nag join ako sa mga ka officemate ko nakasalukuyang


ang mga bilasang sirena😉

nakababad sa tubig kahit na napapagitnaan sila ng mga floating cottage hala langoy. mababaw lang ang tubig so landian at harutan.. nag pasya akong umahon kasi makati ang pakiramdam ko sa tubig naisip ko baka puro mantika na ang tubig dahil syempre sa floating cottage meron syempreng dala yun pagkain, gumana ang imahinasyon ko. Ang ending natulog na lang kami hinde kami nag wagi sa aming misyon ni Ateng because dey’r was da ahahaha …🙂 habang ang lahat ay nag sasaya at lumalaklak ng alak. infairness natahimik din naman ang paligid ng beach sa ingay ng mga nakikipag sigawan (kumakanta) sa videoke dahil me curfew hahaha till 12:00 midnight..

Eto na po kinabukasan matapos lumapang ligo kami at dun kami pumwesto sa malayo konti lang ang tao… ligo na sapsap
mga sapsap ligo na!!!

at iilan lang ang lumulutang na cottage. pero kainis itsura naman ng naligo ka lang sa baha dahil mabato at meron mga halamang dagat sa ilalim ng pinag pwestuhan namin. Wala na choice kundi mag babad na lang mula 10:00 hangang 1:00 pm babad

dito kami pumwesto\'

ang tatlong sirena😉 isang balyena at dalawang sapsap😉, ang mga sirena panay ang sulyap sa mga rampador sa buhangin. umahon na ang iba pero ang dalawang sirena kahit tirik na tirik ang araw naka babad pa din sa tubig nanunubok sa bawat matapatan hehe malay po natin biglang bumigay di jackpot..
mag 1pm na nang kami ay bumalik sa cottage nag shower lang konting kain.. tapos nag pasya ulit kami rumampa ni ateng katirikan ng araw halos mapaso na ang balat ko sa init ginawa nanamn naming rampa ang buhanginan…. 2:30pm na kailangan na bumalik dahil nag hihintay na ang sasakyan para sa aming pag balik sa Manila. Kinakailangan nanaman naming mag lakad sa ilalim ng napaka init na araw huhuhu sayang ang mena at belo (gamit ko pong sabon) … hahahaha :):) Umalis kami Matabungkay mga 3pm na.. at eto ang bunga nang pag rampa namin ni Ateng sa buhanginan kahit tirik ang araw damang dama ko pa ang kati dulot ng Sunburn…Mas lalu makati pag napawisan… hay Matabungkay damang dama ko pa hanggang ngayon ang kati mo!!!!…

3 thoughts on “Damang dama ko ang kati Mo!

  1. hahaha, tama ka, sikat ang yang matabungkay nung 80s, halos every month dyan kami nag outing ng pamilya e. ganda nga ng pictures, pero yung unag picture akala ko sa may mindanao, ahahaha

    =)) hehe kaso masyado na crowded na dinaig talaga ang coastal …

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s