Balahura!

Ayoko sanang mag post tungkol sa VSMMC scandal, isang ospital sa Cebu. Ito yung tungkol sa isang kapatiran na na eskandalo dahil sa video na kumalat sa YouTube… Kahapon kasi lunch time, nag punta ako sa main office namin at naabutan ko ang grupo ng mga kababaihan habang nasa harap ng kanilang mga pinag kainan. Katatapos lang mag Lunch. Eto ang bungad na tanung sa akin ” Ano ang masasabi mo sa nangyari sa bading na pina….” di pa man natatapos ang tanung tumili na ko ng BALAHURA… at sabay litanyang “hinde nakakatuwa ang nagyari sa kanya pero kasalanan nya yon kung hinde siya nag ingat hinde sya malalagay sa kahihiyan.” Hinde naman po ako galit sa kapwa ko pero ilang taon na ba siya para malagay sa ganung kahihiyan. Palibhasa di ko naabutan ang news at di rin ako nanuod ng late night news kaya di ko alam na me ganitong scandal sa YouTube.. isang kaibigan ang nag tanung sa akin kung napanuod ko na ang scandal sa YouTube? sabi ko hinde pa. Tilian ba naman ako ng “Hanapin mo sa YouTube!” nag search ako ng mga dalawang beses. S’ya na din ang nag bigay ng link at napanuod ko nga ang kabalahuraan ng mga Doktor at Nurses sa taong ito. Ayon sa balita nuong Enero pa nangyari ang insidente, sabi din sapilitan daw ipinasok ng Call Boy yung canister ng body spray deodorant…. Ang mga Doctor at Nurses at lahat ng nasa OR pinag fiestahan nila ang pasyente at ginawang katatawanan. Para sa mga Medical Practitioner kahihiyan sa kanilang Profession ang ginawa ng mga Doktor at Nurses ng Ospital. Hinde ba maselan ang pag oopera? bakit parang expose ang camera at cellphone nagamit? At alam naman nating lahat ang ugaling Pinoy pag nag komentaryo, ang gawa ng isa gawain na ng lahat.
Para naman sa mga nakikisimpatya sa pangyayaring ito sa kapwa namin bading na halos pag usapan sa site forum na akala mo concern talaga dun sa tao, at halos mag labasan ang mga litid sa galit para sa mga Doktor and Nurses at sa Nag Post ng Video.  Tigilan na nating ang paninisi. Ang katotohan gusto lang naman din nating pag fiestahan ang issue at mapanuod ang video. Tama na wag na nating ikalat ang  link ng video kung gusto kung talagang nakikisimpatya kayo. Para sa akin walang BIKTIMA dito kasalanan nila kung bakit sila o sya Pinag uusapan. Kanina lang nabasa ko sa broadsheet na 3 Doctors at 1 Nurse ang kakasuhan.. Hay sana naman mga Bakla kung gagawa tayo ng dumi mag isip muna tayo ng maraming beses, dahil tayo din ang malalagay sa kahihiyan… Bakla na nga Binabakla pa lalo. RESPETUHIN NATIN ANG ATING SARILI , DAHIL YUN DIN ANG BALIK SA ATIN…

2 thoughts on “Balahura!

  1. Personal responsibility for me is a big issue. But, I think the issue here is not that he created a situation where he was hurt. The issue, for me, is that in that fragile condition, his personal security and privacy were violated by a group of professionals who we have been taught to trust with our lives. Homophobia in the practice of medicine is the issue, not personal responsibility – remember the girl who fell on an iron rod which penetrated her rectum, if that girl had been the patient at the VSSMC operating table, would the medical practitioners treated her in the same callous manner? I doubt it.

    tumbling with matching NOSEBLEED !!!
    well natural na argument na ang pagiging Homophobic AT kung yan ang paniniwal mo supportahan kita🙂, obviously gay din ang mga doctors na present sa operating room hehehe😉🙂

  2. super naman mgtangol ang homer na ito, magtanggol ba ang surname m? eto na nga ang sinasabing natin na ingatan ang ating mga sarili sa mga masamang elemto ng lipunan na patuloy na lumilibak ng pagkatao ng mga baklang walang respeto ng kanilang mga sarili. wag na natin ipagtanggol ang baklang ito na kagagawan din naman niya kung bakit sya binaboy ng mga doctor na wla rin mga respeto sa kanilang mga propesyon. tama, si empress kung bakla ka na nga at wala ka pang respeto sa sarili mo, dont expect na rerespetuhin ka ng ibang tao. ingatan ang karangalan mo at irespeto ang sarili yan ang maipapayo ko sa mga bakla. hindi lahat ng tao ay kayang intindihin ang kalagayan, kaligayahan, karanasan, kalandian at katatayuan ng bakla. go on guys, live happiliy!

    well sadyang me ganun talagang tao ayaw respetuhin ang sarili….pero pabayaan na natin dun ata sya maligaya…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s