EXTRA RICE…. No more?

 

Isang malaking suliranin ng bansa ngayon ang pagkukulang ng bigas. Ito ang syang pangunahing pagkain nating mga Pilipino. Kahit walang ulam sabawan mo lang ng tubig at budburan ng asin ay ayos na o kaya ng kape na may gatas. Sanay ang ating mga sikmura na kumain ng kanin  tatlong beses isang araw.

Sa mga trabahador natin kung minsan ang isang cup ng rice ay kulang pa. Sa mga fast food minsan laging me Extra rice pag umoorder. Pero ngayon mukang di na ata uubra dahil nga sa kulang na ang supply ng bigas dito sa atin. Kaya sana naman dun sa mga kumakain sa mga sosyal na restuarant o kaya fast food manghinayang tayo sa mga itinitira panating kanin sayang kung maitatapon lang.

 

 

 Karamaihan na sa ating mga mamayan ay nag pa panic buying na dahil sa mga balitang di sapat ang supply ng bigas.Ngunit  patuloy pa rin pinasisinugalingan ng ating pamahalaan ang katotohanan. Ano nga ba ang pinag ugatan ng pagkukulang ng supply ng bigas. Di ako experto pero ang alam ko nuon pa nag aangkat na tayo ng bigas sa ibang bansa. Isang malaking katanungan para sakin  kung bakit, ang Pilipinas na isang bansang agrikultura at pangunahing kabuhayan ay ang pagsasaka ay mag aangkat ng bigas? Nuon ang alam ko tayo ang nag tutoro sa mga kalapit bansa tulad ng Thailand ,Vietnam  kung paano ang mag produce ng magandang uri ng bigas. Ano na ang nangyari mukang bumliktad na ang kapalaran? Dahil siguro sa walang batas para sa mga land conversion di masama ang urbanization o industrialization pero sana naman mag isip muna bago gawin ito. Sa Cavite na lang maraming taniman ng palay ang naconvert na sa mga subdivision.

 

Base sa statistics 2.3million hectares na lang ang natataniman ng palay kumpara sa 9.9 million hectares sa Thailand at 7.5 million  sa Vietnam… ilang metric tons lang ng rice ang ma produce nuon para sa lumalaking populasyon ng Pilipinas. Aminin man sa hinde ng pamahalaan talagang napabayaan na nila ang ating mga Magsasaka sa maraming aspeto ng pagsasaka. Wala akong narinig sa kahit sinong pangulo ang nag tuon ng pansin sa ating  agrikultura. Gusto pa nilang hikayatin ang mga foreign investors na kung tutuusin eh pede naman nating gawing exporting country ang Pilipinas. Kilala na tayo sa maraming bagay dati na rin tayong nag eexport .. kung sapat ang supply ng bigas ito ay malaking tulong na sa bawat pamilyang pilipino. Sabagay sa Probinsya di gaano maapektuhan dahil pede alternatibo ang kamote, kamoteng kahoy at mais yon eh kung me sapat na supply. Pero ang mga bata kayanin kaya nila ang di kumain ng kanin.? ano na nga kaya ang mangyayari sa atin. Sabihin pa na hinde lang sa ating nangyayari ang ganitong krisis pero sana naman magawan nang solusyon upang di lumalala. Sa ngayon patuloy ang pag taas ng presyo ng bigas ang ilang naman nag papakahirap pumila makabili lang ng murang bigas….  

One thought on “EXTRA RICE…. No more?

  1. sa lahat na yata ng parte ng mundo e tumataas ang bilihin; dito rin sa europe halos araw araw e tumataas ang bililhin. kaya naman kami meron kaming veggie at fruit garden kaya dun na lang kami umaasa kaysa naman mamulubi kami🙂 ewan ko ba, mantalang dati e sa IRRI sa Pinas nag aaral ang mga taga ibang bansa para mapalago ang mga ani nila ng bigas, o ngayon sa atin nagkakaubusan? hmm, may mali talaga. salamat sa pagbisita sa blog ko, na link na rin kita

    😀 Korek ka dyan… thanks sa link🙂🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s