AYOsical

 

Dahil sa tagal kong di nakapag update ng blog kaya medyo na late ang rebyu ko sa lunching ng newest product ng ALASKA MILK CORP ginanap ito saEvery Nation building sa Taguig last April 8. attended ito ng mga Top Management, Distributor, Sales ng AMC pati na ng kanilang mga third party agency ng mga merchandiser. Before 9 am kami dumating sa venue naabutan naming ang mga merchandiser na sa registration area… I met some people in AMC particular saTrade Marketing. Anyway nag simula ito mga  9 am and its started with the usual programme kapag meron mga ganitongevents. Invocations, national anthem, at opening remarks maganda sana ang theme kasi nga parang adopted sa Highschool Musical. Pero it turned out to be baduy. Tama bang gamitin ang early nineties na “Estudyante Blues”at bakit naman me Aegis pa .. hay mabuti na lang at walang April Boy Regino …naloka ako dun sa musical, ipinapakita dun na ang mga kids between 10-12 years old tawag nga nila ay ‘tweens” na mahilig sasports,cooking pang Class A and B … na alam nating hinde nahihiligan ng mga kabataan sa class C. Tama lang ang theme na musical pero di tama ang musuc na ginamit. sana kumuha sila dun mismo sa soundtrack ng High School Musical, Work this out o kaya yung You are the music.

okey lang yung ending  song na We’re all in this Together, sana pinag isipan mabuti ang theme. Eto pa, sa isang report ngVP for Marketing meron syang presentation binangit nya ang tungkol sa mga news na nakapekto sa market last year and even the first quarter. like ZTE scandal etc. pero ang mas naloka ako ay “ang  kasal ni Fernando at Marimar” sino si Fernando sa buhay ni Marimar? hinde kaya na confuse dahil sa Mexican Tele Novela iisa lang ang bida ng  Marimar at Rosalinda si Thalia. Wala ba naman nag sabi na si SERGIO ang pinakasalan ni Marimar …o siguro di sya naimbitahan nungWedding nila hehehe. After that napaka boring na ng mga sumunod na presentation.. lalu na ang report ng AC Nielsen me relevance ba sa launching ang report na iyon?

 

Sa Launching na ito ako naniniwala na talagang me rice shortage na sa bansa dahil ang served na lunch ay bagay lang sa isang childrens party meal. No offensement sa mga organizer di kaya nila na alam na puro boys ang aattend ng kanilang events na sanay kumain ng 2 cups of rice lalo na ang mga Merchandiser? At ang drinks masarap naman kaya lang di ko sya kilala … pero ng malaman ko ito pala ay lemon grass juice, Okey kakaiba pero di naman familiar sa mga merchandiser kaya marami ang di may gusto yung ibang coordinator satable naming halos di nangalahati eh kasi nga di nila type ang lasa sana nag ice tea na lang tyak ubos…marami pang activities ang events na iyon pero till 1pm lang kami dahil outdoor activities na ang mga sumunod at kailangan na rin bumalik ng mga merchandiser sa kanilang assign supermarket.kami naman ay kumain na lang sa KFC dahil bitin anglunch naming.

 

Pero ang mganda sa bagong Product na ito ng AMC na additional sa kanilang Ready To Drink category ay  masarap at affordable pa…ang product na ito ay ang Alaska YOghurt drinkcomes in 2 flavors Blueberry and Strawberry. Bale UHT sya so matagal ang shelf life. I know kids and adult alike will love it. Try natin lahat ang bagong product ng Alaska… di ko  alam kung tama nga yung tag line nila na  AYOS SA RATSADA, AYOS ALASKA!

3 thoughts on “AYOsical

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s