Araw ng Watawat

Sa Mayo 28 ay araw na itinakda upang gunitain ang Araw ng Watawat. Ito ay bahagi na rin ng paghahanda ng ating bansa para sa pag gunita ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 2009. Ayon sa Republic Act 8491, idineklara ang ika-28 ng Mayo at Hunyo 30 bilang National Flag Days o ang Paggalang sa Watawat.

250px-Philippineflag

Sa ating makabagong henerasyon kaya ngayon ay may katuturan pa rin kaya ang pag gunita sa Mahalagang Araw na ito? Interesado pa kaya silang malaman ang tunay na pinag mulan ng ating Watawat at ang mga kahulgan ng mga sumisimbolo ditto?

Ang watawat ay gawa sa dalawang stripes- ang bahaging itaas ay kulay pula at asul naman ang nasa ibaba. Nakapaloob sa puting tatsulok sa isang parisukat na tela ay ang larawan ng araw, na sumisimbolo ng kalayaan at ang unang walong probinsya na nakipaglaban sa Espanya.
Ang tatlong mga bituin, na nasa magkabilang sulok ay simbolo ng tatlong malalaking isla, ang Luzon, Visayas at Mindanao.
Ang watawat ng Pilipinas ay may kakaibang kahulugan kompara sa ibang mga watawat sa mundo. Kapag ito ay nakasabit nang pabaliktad, ito umano ay nangangahulugang pagdeklara ng digmaan laban sa estado. Ito ay base narin sa simbolo ng kulay asul at dilaw ng watawat. Matatandaan, na ang kulay pula ay sumasalamin ng pagiging matapang at ang asul naman ay ang pagiging dakila.

Mga Ipinagbabawal na paggamit sa Watawat
• Ang pagbababa sa watawat sa pagbibigay ng papuri o parangal sa isang tao o bagay.
• Ang paggamit sa watawat bilang kurtina, palamuti, mantel, panakip sa dingding, istatwa at iba pang bagay; bilang banderitas sa tabi, likod, o taas ng anu mang motor na sasakyan; bilang tatak o marka; at paggamit nito sa industriyal, komersyal at agrikultural na disenyo o tatak.
• Ang paglalagay ng watawat sa ilalim ng anumang pintura o larawan, o sa mga sayawan, sabungan, club, casino at ibang lugar ng pasugalan.
• Ang pagsusuot sa watawat, buo man o parte lamang bilang damit o uniporme.
• Ang paglalagay ng anumang salita, pigura, marka, larawan, disenyo, dibuho o anunsyo sa watawat.
• Ang paggawa at paglalagay ng representasyon ng watawat sa panyo, kutson at iba pang uri ng paninda.
• Ang paglagay ng watawat sa harap ng gusali kung saan namamalagi ang mga hindi Filipino. (sangunian: wikipilipinas)

Taas noo nating ipag diwang ang araw ng Ating Watawat . Ang bawat wagayway nito ay simasagisag sa ating pagging malayang bansa. Mabuhay ka Pilipino!

About these ads

7 thoughts on “Araw ng Watawat

  1. meron dito sa imus kabite na watawat festival at mula may 23 ata gang may 28 nga….

    === ay ang ganda siguro pag diriwang yan.. sana hindi lang sa kabite ano sana dito din sa manila meron…

  2. ay ako din, hindi ko alam yan. mabuti naman :D

    == ako din naman di ko talaga alam ang na me araw ng watawat. nakita ko lang sa isang paaralan ang Tarpaulin tungkol sa pag diriwang na ito. at saka ako nag search sa internet..

  3. guilty din ako dito at hinde ko alam ito… gusto daw dagdagan yung sinag ng araw, nalalabs lang sa balita…

    == marami nga sa atin di nakakaalam na meron araw na ganito.but now we know at anung sinag naman yan ..?hay talaga wala naba maisip gawin ang mga yan at pati sinag ng watawat eh gustong pakialaman….

  4. Pinili ang May 28 bilang “Araw ng Watawat” dahil bago pa man pormal na naideklara ang kasarinlan ng Pilipinas noong June 12, 1898 ay naiwagayway na sa unang pagkakataon ang bandilang tinahi sa Hongkong sa tinatawag na “Battle of Alapan” sa Cavite kung saan nagwagi ang mga sundalo ng rebolusyon laban sa mga sundalong Kastila.

    Ipagmalaki natin ang ating watawat dahil simbolo ito ng sambayanan at ng ating bansa. Nasaan ka man sa Pilipinas o sa alinmang panig ng mundo, ang watawat ang nag-iisa sa atin bilang bansa at bilang lahi na magiting at dakila.

  5. sana’y matuloy na ang pagbabagong anyo ng sinag sa ating watawat mula sa walong sinag, naway ito ay maging siyam na. lgi pagkilala natin sa mga pilipinong muslim at mga katutubo na lumaban para sa ating kasarinlan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s