Umiikot ang Mundo?

Two Sundays ago ko lang naranasan ang pag-kahilo. Akala ko nung una dahil sa biglang pag-bangon sa umaga kaya ako nakaramdam ng hilo. Pero ganun talaga ang nararamdaman ko every morning or minsan sa pag higa ko mawawala din naman. After four days dito na ko nag worry dahil matinding hilo ang nararamdaman ko hanggang sa pag pasok ko sa work nahihilo pa din ako. Hindi naman sumasakit ang ulo ko at di naman ako nakakaramdam ng pag ka suka, iniisip ko baka s astigmatism ko pero iba. Hindi ito tulad ng mga sintomas ng kapag inaatake ako ng astigmatism. Nag pa check up ako only to find out na ako ay may VERTIGO, kung ano anung simpleng test ang ginawa ng Doktor test kung pantay ang pakiramdam or yung senses ko. . After ilang days bumalik ako, ni refer ako s Ophthalmologist para malaman kung me kuneksyon ang astigmatism ko sa pag kahilo pero wala tama naman ang salamin ko. Tama lahat. Dahil nga sa Vertigo kaya umiikot ang Mundo ko.. ang tanging nasabi lang sakin ng Doktor.. “WELCOME TO THE CLUB”..
Me Excercises na itinuro ang Duktor.. Katulad nito

Brandt-Daroff Exercises

The Epley and Semont Maneuvers

source:http://www.dizziness-and-balance.com/disorders/bppv/bppv.html

basahin nyo ito:

Ang pagkahilo ay isa sa madalas na nararamdaman ng tao. Ang vertigo ay pagkahilo na ang pakiramdam ay umiikot ang mundo o ang katawan. Hindi dumidilim ang paningin at hindi rin hinihimatay. Ang ating pakiramdam ng posisyon at pagkilos ay dahil sa ating “vestibular system” na ang pinakahuling organ ay makikita sa pinakaloob ng tenga. Itong vertigo ay mayroong kasamang “nystagmus,” mga biglang pagkilos ng mata patungo sa kabila ng nasirang vestibular system. Kapag nakatayo at inaatake ng vertigo, ang pasyente ay natutumba sa kanan kapag ang problema ay nasa kanang tenga o sa kaliwa kapag ang problema ay nasa kaliwa. Kapag ang vertigo ay may kasamang tinnitus (naririnig na tunog ng kalembang) o kapag nababawasan ng panginig (nabibingi), ito ay tinatawag na Meniere’s disease.

Ang malimit na uri ng vertigo ay ang Benign Paroxysmal Positional Vertigo (BPPV). Ito ay nangyayari sa mga mayroong edad na. Maaaring mayroong history ng hampas sa ulo ngunit ang karamihan ay walang dahilan kung bakit nagkaroon ng vertigo. Itong uri ng vertigo ay banayad lamang at kusang nawawala matapos ang ilang linggo o ilang buwan. Dito sa BPPV, ang vertigo ay nangyayari 3-40 segundo matapos na maiposisyon ang ulo sa kanan o kaliwa habang nakahiga. Ang mga symptoma ay kusang nawawala habang nakaposisyon pa ang ulo. Sa mga unang araw, ang vertigo ay matindi ngunit ito ay pumapanaw at nawawala na dahil sa paulit-ulit na posisyon ng ulo.

Dapat ay magkunsulta sa isang doktor (otolaryngologist o ENT) upang malaman talaga kung ang problema ay isang BPPV o kung mayroong iba pang sakit na nagdulot ng vertigo. Mayroong mga “vestibular function tests” gaya ng paglagay ng malamig o mainit na tubo o hangin sa tenga at tingnan kung anong klase ng symptoma ang lalabas. Malalaman din kung sa kanan kaliwang tenga ang problema at kung dito lamang ang problema o kaya ay nasa loob ng ulo ang problema. Dito ay kailangang ma-magnetic resonance imaging ang ulo upang malaman kung ano at saan ang problema.

Ang payo sa mga nagkakaroon ng vertigo ay magpahinga muna sa kama at uminom ng mga gamot (Serc, Valium, atbp.). Kapag hindi nawala ang mga symptoma matapos ang ilang araw, ang pasyente ay pinipilit na tumayo at maglakad maski na mahirap upang mapunan o mapalitan ng katawan ang gawain ng nasirang vestibular system. Sa BPPV, mayroong mga exercise gaya ng Epley procedure upang mawala ang vertigo. Kapag mayroong Meniere’s disease, maaaring magbigay ng mga pampaihi (diuretics) at bawasan ang maalat sa pagkain. Kapag ang sakit ay nasa utak, maaaring kailanganin ang operasyon.

http://www.abante-tonite.com/issue/march1106/public_dok.htm

About these ads

17 thoughts on “Umiikot ang Mundo?

  1. nako mag iingat ka baka mahilo ka bigla eh tumaob ka o kaya nasa hagdan ka o banyo.

    …. sALAMAT TALAGANG mahirap pala ang me Ganitong Sakit..

  2. ulitin ko ang sinabi ni prinsesang musang – mag ingat ka, at least alam mo na kung an ang dapat mong gawin.

    … salamat Kengks talagang ramdam ko ang sakit na ito.

  3. ako halod mag dalwang buwan ng parang nagallaw ang pakiramdam ko pag nakupo at nakahiga vertigo na kaya 2 kc umpisa nito madalad namamanhid ang buong braso ko tpus wala akong gana kumain masakit ang likod ko sabi di na adaw 2 naalis uminum ako ng serc pero wala din ipekto at sai pa nila baka sa binat daw kc nakunan ako last june tpos sabi ng ibang doctor steers daw kc after ko makunan pumanaw ang nanay ko after 2mont bayaw ko ano kaya 2 hanggang ngayon kc ganun parin……

    • ganyan din ang nara2mdaman ko, almost 2years na ito, hanggang ngaun hnd parn gumagaling. nag umpisa kc to s tainga eh ung tainga ku tumunog after 2weks nahi2lo aq ng malakas. .hnd alam kung san nag umpisa tos tainga ang dahilan ng vertigo ku kc ngaun .hilong hilo parin ako pls anu b gamot nito? nahi2rapan na aku.

  4. hndi pko nagpatingin sa doctor 2ngkol d2. pero sa mga nabasa ko about vertigo i confirmed n mron ako nito. kc yung spinning narramdamn ko plagi. yung pag hinipo ko ang ulo ko na madiin msakit sya. mdalas n ang atake nya lalo sa work ko at palagi sa paglakad ko prang akong mbubuwal. makati ri ang mga tenga ko masarap kamutin mnsan nga ay nagdugo na du ko naman kinakamot sa my gilid hnd nman sa loob mismo. seguro nakuha ko to sa pkkiknig sa eraphone o ipod na malakas.

  5. base sa mga nabasa ko sa inyo at experienced nyo mahirap tlaga ganyan din ang nararamdaman ko:( sad to say mahirap tlaga…cguro nakuha ko un sa akin super stress..mahilig ako sa chips at black cola un sabi ng doctor…iwasan muna ang ganun fud……..at one time humataw din ang ulo ko as in malakas tlga. isa rin un sa dahilan..pero sabi ng doc basta rest lang gagaling ang vertigo……

  6. ako 2 yrs ko na narrmdaman ung ganun pag kahilo lalo pag ng lalakad ako para akong tutumba at ng blurred ung paningin ko na pakirmdam ko para akong naklutang tapos ung likod ng tenga ko parang nababanat ung ugat vertigo ba ito?

  7. dti po bihira ko lang maramdaman yung hilo ko ngaun po mas madalas na madalas po na mahilo ako pag gising at pg nagddrive ako nang motor at sa gabi sumasandal na lang po ako sa pader kpag nararamdaman ko po na nhihilo nko

  8. hai nahihirapan na nga ako sa nararamdaman ko. lagi na nga akong ngpapatingin sa dr. pero wala parin,, cguro nga vertigo na din itong sakit ko.. dahil sa mga nabasa ko i confirmed na vertigo nga ito..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s