Huling Hirit sa Tag Araw
Mayo 16, 2008 at 10:48 umaga | In Uncategorized | 4 CommentsTags: Add new tag, opinyon ko
Kay bilis talaga ng panahon at oras. Di mo namamalayan na kalahati na ang taon, at parang kelan lang tuliro tayo sa sobrang init na ating naramdaman. Hinde tayo mag kamayaw sa pag plano ng mga outing. Huling dalawang lingo na lang para humirit sa Tag Araw. Samantalahin na kung kaya pang mag outing.
Sa pag tatapos ng bakasyon. Balik eskwela nanaman ang ating mga estudyante. Hay gastusan nanaman! Tuition, uniforms at mga gamit pang School. Aligaga nanaman ang mga Mommys sa pag babalot ng mga notebook at libro, gagawa ng label para sa notebook at libro, gagawa ng name plate.at kung anik anik na requirements tuwing unang araw ng pasukan . ‘wag din kalimutan ang pag attend ng PTA meeting.. hehe. Dapat ngayon pa lang mag check na tayo ng mga pede pang mag gamit ng ating mga estudyante tulad na uniforms, sapatos at baka pwede pa ang mga bag, labhan lang para magamit ulit. Para din naman makabawas sa gastusin. Tiyak na mag tatas na ng presyo ng gamit pang skul.
At syempre Panahon na ng Tag ulan. Ngayon pa nga lang napapadalas ang pag ulan, makakaranas nanaman tayo nang mga pag baha, mag suspinde ng klase ng wala sa oras at kung anu ano pang mga suliranin tuwing tag ulan.
Sana naman walang masyadong bagyo ngayon sa Pilipinas.. Teka meron pa ba kayong Hirit bago matapos ang Tag Araw?
Mga Puna »
RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI
Mag-iwan ng puna
Sumulat ng Blog sa WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.






bad trip nga eh..parang ang aga dumating ng ulan. syempre, punta pa kaming bohol next week. kumusta naman! ngayon na nga lang ako magbabakasyon, uulanin pa. =’( hay!
goodluck sana ma ehjoy mo ang bakasyon
Comment ni Jane — Mayo 16, 2008 #
sa amin nagsisimula pa lang ang tag-araw!
…. Kengks, Gaano ba kainit dyan pag tag araw?
Comment ni kengkay — Mayo 19, 2008 #
Pasalamatan magiliw balutin…
Kung ka mangilangan A Blog , subukin sa tumingin “Leoxa.com”
( ang paksa ay pagayon nakatutuwa )
Comment ni poychte — Mayo 20, 2008 #
ok na rin kung tag-ulan na. Basta huwag lang sanang babaha.
… sana nga, kaso wala atang tag ulan na hinde bumaha…
salamat sa pag bisita
Comment ni nanay belen — Mayo 20, 2008 #