Isang Tula…
Mayo 9, 2008 at 6:42 umaga | In life | 7 CommentsTags: mother, poem
Nalalapit nanaman ang pag diriwang ng mga Dakilang Babae Sa Mundo,
ang ating Ina,, sumubok akong mag sulat ng tula para sa aking ina, kahit wala na s’ya para pa rin sa kanya ang tulang ito. at para na rin sa mga Ina.
Nang mag pasya ang Diyos na ako’y maging iyo
Siyam na buwan ang ipinag hirap mo.
Hindi biro ang ako’y dalin ng ganun katagal
Sa iyong sinapupunan.
Ang bawa’t galaw ko’y ligaya ng iyong puso
Hudyat sa iyo na akoy buhay, At Bawat araw
dalangin mo ang kaligtasan ko.
At ang takdang araw ng pagdating ko
Buhay ang itinaya mo.
Sa araw ng ating pagkikita, labis ang iyong kasiyahan.
At ang puso mo’y umaapaw sa kagalakan.
Sa bawat haplos ng iyong kamay pagmamahal mo
Ang nararamdaman ko.
Hindi ka mapakali kapag akoy balisa.
At sa bawat pag iyak, bakas sa iyong mukha
Ang matinding alalahanin.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana
Hindi mo man gusto tayo ay nag kawalay.
At sa pagkawala’ mo ang puso ko ay nangulila
Sa iyong pagmamahal,At ang puso ko ay
nasabik sa iyong pag aruga.
Bawa’t araw walang inaasam kundi
ang muli kang makasama.
May pag kukulang ka man ay sadyang ayos lang
Pagkat ikaw ang bigay nang Maykapal
Ano man ang pinag daanan nating dalawa
Mananatili ka sa puso ko bilang aking Ina.
MALIGAYANG ARAW NG MGA INA….
Mga Puna »
RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI
Mag-iwan ng puna
Sumulat ng Blog sa WordPress.com. | Theme: Pool by Borja Fernandez.
Entries and comments feeds.






nakaka lungkot naman tong poem mo pero at least may laman para sa mga ina at sa mga anak na rin. at salamat, malapit na ang pagiging bida ko
…..thanks HAPPY MOTHER’S DAY KENGKS..
Comment ni kengkay — Mayo 9, 2008 #
makapangyarihan talaga ang tula minsan, sa pagpapahiwatig ng ating mga nararamdaman. napakaganda! sana’y si inay mo ay napasaya
Comment ni S3lv0 — Mayo 10, 2008 #
so sad naman… but true… though mei conflict kami ng mother ko.. mother ko pa din yun! pagbalik balikatarin ko man ang mundo! and i love her very much!..di ko man napapakita but i know she can feel it naman… and para sayo our second mom..! HAPPY MOTHER’S DAY!… thank you sa lahat… we love you so much!.. muaaahhh!!!! love you mami..!!!
…. trulili yan kahit anong gawin mo sa kanya pa rin tayo nag mula…
second mom talafa? teka saan ko nga ba kayo iniluwal hahahaha
Comment ni azel — Mayo 10, 2008 #
nakarelate naman ako dito…wala talaga makakatalo sa mga nanay. kahit gano katagal na silang wala at kahit gano ka pa katanda, nangungulila pa din.
add kita sa blogroll ko. thanks for the comment ;p
.. salamat sa pag bisita,,, tama ka talgang walang makakatalo sa pag mamahal ng isang ina na add na rin kita,,,.
Comment ni Jane — Mayo 12, 2008 #
Happy mother’s day po sa butihin mong ina. Mabuhay lahat ng mga ina natin!!
Comment ni emoboyblue — Mayo 13, 2008 #
this poem was being recall for being care to us by our wonder by wonder mom!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
thanks for visiting my blog
Comment ni jpol — Pebrero 3, 2009 #
Hu…hu…hu.,ang lungkot naman aq mahal k ang nanay ko kaso d kayang i-express
=== Basta alam mo na mahal mo ang mom mo okey na yun .. ganun naman talaga minsan hirap tayo i express.
thanks sa pag bisita
Comment ni Jedidiah — Abril 15, 2009 #